ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fake news sa eleksyon, tatalakayin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA

March 26, 2019

8 pm sa GMA News TV

KALIWA DAM

Isa ang pinaplanong proyektong Kaliwa Dam sa mga tinitingnang kasagutan sa krisis sa tubig na nararanasan ngayon sa Metro Manila at ilang glugar sa Rizal. 

Subalit sa lokasyong ito rin matatagpuan ang tahanan ng mga katutubong Dumagat na nanganganib na mawalan ng lupaing ninuno o ancestral domain kung sakaling maisakatuparan ang proyekto. Inalam ni Chino Gaston ang angking ganda ng Kaliwa River sa Rizal, at kung bakit tinuturulan ang pagpapatayo ng dam ng grupo ng mga Dumagat sa Daraitan, Rizal.

ANG HULING MANINIKTIK

Sa tahimik na bayan ng Sampaloc, Quezon, bahagi na ng kanilang kultura at tradisyon ang paggawa at paggamit ng batong kalan, isang makalumang kagamitan sa pagluluto na yari sa bato. Bagamat hindi ito moderno, marami pa rin sa kanilang bayan ang gumagamit ng ganitong klase ng kalan. 

Pero dahil mahirap at matagal ang proseso sa paggawa nito, di-umano'y si Tatay Charito na lang ang huling  maniniktik o tagagawa   ng batong kalan. Naranasan ni Mav Gonzales ang hirap sa pagtiktik ng isang piraso bato para maging isang kalan.

FACT OR FAKE: FAKE NEWS SA ELEKSYON

Unti-unti nang papalapit ang eleksyon, kaya naman tila parami na rin ng parami ang nagkalat na mga fake news o pekeng balita sa internet, na kadalasa’y kung hindi pumupuri sa isang kandidato, ay naninira naman ng katunggali nito. 

Babala ng COMELEC o Commission on Elections sa mga kandidatong nasa likod ng pagpapakalat ng fake news, tigilan na ang gawaing ito dahil oras na mapatunayang sila ang nasa likod nito, maaari silang maharap sa reklamong election offense, na siya ring maaring maging dahilan ng kanilang diskwalipikasyon. 

Ginalugad ni Joseph Morong ang social media sa mga pinakahuling mga fake news na kumakalat online.