Search and rescue operations sa gumuhong supermarket, tinutukan ng ‘Brigada’
BRIGADA

April 23, 2019
8 pm sa GMA News TV
LINDOL

Hindi bababa sa sampu ang namatay sa magnitude 6.1 na lindol na naramdaman sa maraming lugar dito sa Luzon. Bagamat hindi pa raw ito ang pinangangambahang "The Big One", hindi dapat ipagsawalang bahala ang pinsalang hatid ng hindi inaasahang mga pagyanig ng lupa.

Patunay dito ang nangyaring trahedya sa ilang bayan sa lalawigan ng Pampanga kung saan may mga napaulat na mga gumuhong istruktura na naging dahilan ng pagkasugat at pagkamatay ng mga residente. Isa sa mga pinakamalubhang tinamaan ang isang supermarket sa Porac, Pampanga kung saan tinatayang nasa 30 katao ang naipit sa loob sa kasagsagan ng pagyanig. Tinutukan ni James Agustin ang isinasagawang search and rescue operations sa gumuhong supermarket.
Samantala sa kalakhang Maynila, kabi-kabila rin ang mga nakunang epekto ng lindol, mula sa mga nagtapunang tubig mula sa mga rooftop pools, hanggang sa mga sumasayaw na mga gusali. Wala namang mga napaulat na namatay o nasaktan, pero marami pa rin ang nangamba dahil sa hindi inaasahang malakas na pagyanig. Inalam ni Saleema Refran kung anu-ano ang mga nararapat gawin sa mga pagkakataong maminsala na naman ang isang malawakang lindol.