Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Brigada'

Ano ang epekto ng pagtanggal ng Filipino subjects sa kolehiyo?


June 11, 2019

8 pm sa GMA News TV

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag simula ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.

FILIPINO AT PANITIKAN

Sa bisa ng desisyon ng Korte Suprema, tatanggalin na sa mga kinakailangang asignatura sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan. 

Bukod sa nararapat na raw natutunan ito ng mga estudyante noong sila’y nasa elementarya at high school, mas magbibigay daw ito ng kalayaan sa mga mag-aaral na kumuha ng anumang iba pang subjects na naisin nila. Puna naman ng ilan, maituturing daw itong lantarang pagpatay sa pagiging makabayan at makabansa ng mga kabataan. Tinimbang ni Athena Imperial ang magkakaibang pananaw ukol sa kontrobersyal na isyung ito.

KAKULANGAN SA GURO?

Bukod sa taun-taong daing para sa mas maayos na mga aklat at silid-aralan, hindi pa rin lubusang nareresolba ang problema sa kakulangan sa guro lalo na sa malalayong mga paaralan sa probinsya. 

Nasaksihan ni Mav Gonzales ang hirap ng mga gurong nagtuturo sa mga klaseng aabot sa walumpu ang mga estudyante.

FACT OR FAKE: PEKENG MAKEUP

Marami ang nae-engganyo sa mga naglipana ngayong murang makeup at face masks sa merkado. Pero babala ng Food and Drug Administration, maging maingat sa pagbili ng mga ito dahil laganap na rin sa mga pamilihan ang mga pekeng bersyon nito. 

Dapat daw hindi tangkilikin ang mga pekeng makeup at face masks dahil bukod sa hindi ito garantisadong magiging mabisa sa pagpapaganda, naglalaman din daw ang ilan sa mga ito ng mga nakalalasong kemikal na maaaring makasira ng balat. Inalam ni Joseph Morong ang mga palatandaan para maiwasan ang mga pekeng makeup at face masks.