Motorcycle safety tips, alamin sa 'Brigada'

July 2, 2019
8 pm sa GMA News TV

MOTORCYCLE SAFETY
Sa sobrang siksikan na dito sa Kalakhang Maynila, hindi maiwasang mapuno rin ang mga kalsada ng mga sasakyan. Ang naisip na alternatibong uri ng transportasyon ng karamihan -- motorsiklo. Bukod sa mura’t matipid sa gasolina, madali itong naisisingit sa masisikip na lansangan ng Kamaynilaan. Pero kung isa ito sa mga nangungunang uri ng sasakyang nasasangkot sa aksidente, pipiliin mo pa rin bang mag-motor?

Inalam ni Chino Gaston kung paano mapananatiling ligtas ang paggamit ng motorsiklo sa gitna ng buhol-buhol na trapiko.

SILONG
Dahil panahon na naman ng tag-ulan at ng habagat, araw-araw na tayong binabayo ngayon ng malalakas na ulan. Para sa maraming palaboy sa lansangan, malaking tulong ang mga tulay na nagsisilbi nilang masisilungan. Ang 59 taong gulang na si Nanay Beth halimbawa, tahanan na ang turing sa bahagi ng flyover sa Brgy. 629 Sta. Mesa, Manila. Dito na kasi sila nagluluto, kumakain at natutulog ng Grade 11 niyang anak na si Mariel at may kapansanan sa pag-iisip na si Raymond. Sa kabila ng pagtitiis, patuloy pa rin silang nagsusumikap. Naranasan ni Victoria Tulad ang hirap na pinagdaraaanan ng mga gaya nina Nanay Beth na nakikipagsapalaran sa lansangan.

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.