Hazing sa loob ng PMA, tinutukan ng ‘Brigada’
BRIGADA

October 22, 2019
8 pm sa GMA News TV
“CODE OF SILENCE?”

Dahil sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio, isang kadete ng Philippine Military Academy o PMA, naging mainit ang usapin ng hazing sa loob ng PMA. Aminado ang ilang mga nagtapos sa Academy na mayroon ngang hazing na nagaganap dito. Katunayan, may mga ilang kadete na rin ang namatay sa hazing, bago pa ang kaso ni Dormitorio.
Ngayong gabi, balikan ang kaso ni Dormitorio at ilang pang mga kadete naging biktima ng hazing sa loob ng PMA. Bakit nga ba nakalulusot ang ganitong karahasan sa institusyong huhubog sa mga susunod na mga tagapagtanggol ng kapayapaan?
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.