ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Viral "Wonder Lola" at asong si "Black Jack", kilalanin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

January 07, 2020
8 PM sa GMA News TV


WONDER LOLA

Pagsasaka na ang kinagisnang kabuhayan ng 80 taong gulang na si Lola Gunda. Mula pa noong kanyang kabataan, natutunan na niya kung paano pahalagahan ang mahigit 3 ektarya ng bukiring inihabilin sa kanya ng kanyang ama. At dahil pagsasaka na rin ang naging instrumento para maitaguyod niya ang kanyang pamilya, "Wonder Lola" ang tingin at turing sa kanya ngayon ng kanyang mga anak at apo bilang pasasalamat. Naging saksi si JP Soriano sa pagmamahal na natanggap ni Wonder Lola Gunda mula sa kanyang pamilya.



BLACK JACK

Minsan ng naging tanyag ang asong si Black Jack sa mga kalye sa Maynila dahil sa mga ginagawa nitong pagtatanghal kung saan ipinamamalas niya ang kanyang talento sa pagsasayaw, paggawa ng tricks, at maging ang galing nito sa mathematics! Ngunit kamakailan lang, nadiskubre ng amo niyang si Eddie ang pagkakaroon ng bukol sa dibdib ng kanyang alaga na posibleng maging hudyat na ng pagtatapos ng kanilang mga pagtatanghal sa kalsada. Inalam ni Vonne Aquino kung paano nila susubukang lampasan ang pagsubok na ito.



Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.