Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyaheng South Korea ni Lala Roque, balikan sa 'Brigada' ngayong Sabado!


BRIGADA
October 24, 2020
9:15 PM sa GMA News TV
(Replay episode)

PASYAL SA KOREA

Para sa maraming Pilipino, dream destination nang maituturing ang South Korea. Bukod sa magaganda nitong tanawin at malamig na klima, dinarayo rin ito dahil sa pagiging lugar na pinagmulan ng paborito nating samgyupsal, bingsu, KPop, pati na KDrama! Ang pagiging tanyag ng mga bagay na ito mula sa kanilang bansa ay isang patunay sa pagpapahalaga at pagpapanatili ng mga Koreano sa kanilang mga tradisyon at kultura. Dumayo sa South Korea si Lala Roque para tuklasin ang natatangi nilang kultura.

 


FACT OR FAKE: DEEPFAKE VIDEOS

Hindi na lang basta pekeng balita kumakalat at nakapanloloko ngayon sa social media. Lubhang malaking panganib daw ang nagbabadya kung sakaling maging laganap na rin dito sa Pilipinas ang pagkalat ng deepfake o ‘yung mga videos kung saan ipinapatong ang mukha ng ibang tao sa mukha ng isa pang tao sa isang orihinal na video. Ayon sa mga eksperto, delikado ito dahil sa sobrang linis ng pagkakagawa, posibleng maraming tao ang mapaniwala kung sakaling gamitin ito sa masama. Inalam ni Joseph Morong kung paano malalaman totoong video sa isang second-rate, trying hard, copycat na deepfake video.