Mga Pinoy food na gumagawa ng pangalan sa United Kingdom, tampok sa 'Brigada'!
BRIGADA
November 7, 2020
9:15 PM sa GMA News TV
BEHIND RELATIONSHIP GOALS
Wala pang isang taong kasal ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young, subalit masasabi nilang matatag ang kanilang pagsasama. Makikita iyan sa kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals kung saan tampok ang kanilang mga relationship advice na kadalasang mula mismo sa kanilang personal na karanasan. Bukod sa mga makabuluhang payo, dito rin nila ishine-share ang kanilang mga hindi malilimutang travels around the world kabilang na ang adventures na talaga namang lalo pang nagpatibay sa kanilang relasyon. Nakipagkulitan si Aubrey Carampel sa patok na podcast na celebrity couple.

_2020_11_06_18_46_33_1.png)
_2020_11_06_18_46_33_2.png)
OPPA INVASION!
Spotted: Korean oppa na si Park Seo-Joon, kumakain sa isang fast food chain sa Maynila?! Siya nga ba talaga ito o ka-look alike lang?
_2020_11_06_18_46_33_3.png)
Marami ang kilig sa angking kagwapuhan ni si Park Seo-Joon dahil na rin sa mga pinagbidahan niyang Kdrama. Patunay lang ito kung gaano kalaki ang impluwensiya ng mga Koreano sa ating bansa. Sinuri ni Saleema Refran kung paano nga ba nagsimula ang maituturing na “oppa invasion” dito sa Pilipinas.
EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES!
Walang dudang ubod ng sarap ang Pinoy food, dahil na rin ito sa mayamang kultura nating mga Pilipino. Dahil dito, madalas tinatagurian ng mga culinary expert na ang pagkaing Pinoy nga raw ang magiging next big thing kung world class cuisine ang pag-uusapan. Isa lang ang London-based na si Chef Rex sa nagsusulong sa pagpapakilala at pagpapalaganap ng Pinoy food sa pamamagitan ng pagtatayo ng turo-turo sa United Kingdom! Inalam ni Kara David ang sikreto ng mga Pinoy food na unti unti nang gumagawa ngayon ng pangalan abroad.
_2020_11_06_18_46_33_4.png)
_2020_11_06_18_49_56_0.png)
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:15 ng gabi, sa iisang Brigada.