ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

TikTok pets, Paskong Pinoy at DIY meal kits, tampok sa 'Brigada' ngayong Sabado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA
November 21, 2020
9:15 PM sa GMA News TV

MALU-PETS!

Kung sawa na kayo sa paulit-ulit na dance videos pranks online, mag-detox muna sa pamamagitan ng panonood ng cute na cute na pet Tiktokers at YouTubers! Ilan sa mga patok na malu-pet na online sensations ang asong si Baste na mahilig makipag-duet sa kanyang among si Mark tuwing nagvi-videoke, o ang masunuring alagang pusa ni Josephine na si Mimi na bumenta sa mga netizens matapos itong makunan ng video na dineadma lang ang kanilang ulam na fried chicken kahit pa malaya lang itong nakapatong sa kanilang lamesa! Nakilala ni Oscar Oida ang mga adorable fur babies na ngayo’y biglang mga instant internet sensations!

 



PASKONG PINOY

Marami ang naantig sa inilabas na online video ng Disney UK na may temang Paskong Pinoy. Pinamagatang “From Our Family to Yours”, itinampok dito ang iba’t ibang mga trasdisyong Pilipino tulad ng jeepney, pagmamano, pati na ang mga parol na nagpakulay ng Pasko ng mag-lolang bida sa video. Halaw daw ito sa personal na karanasan ng Pilipinong direktor nito na si Angela Affinita kung saan ang kanyang lola at nanay ang nagsilbing inspirasyon. Dito naman sa Pilipinas, sa gitna ng modernong panahon at pagbabago sa takbo ng ating pamumuhay, maituturing pa rin bang buhay ang diwa ng Pasko na isinalarawan sa video na ito? Inalam ni Kara David ang kasagutan.

 



DIY MEAL KITS

Parte na ng kulturang Pilipino ang pagsasalo-salo sa hapag. Kahit pa simpleng kanin at sabaw lang o maging isang magarbong handaan, pagkain ang parating sentro ng pagtitipon nating mga Pinoy. Kaya naman noong dumating ang pandemya, malaki ang naging kawalan para sa maraming pamilyang Pinoy na mahilig kumain sa labas dahil sa limitadong operasyon ng mga restaurant. Ang naisip na solusyon, ang pagkakaroon ng mga DIY meal kits para maging authentic pa rin daw ang lasa at experience ng pagkain ng mga putaheng bestseller ng iba’t ibang kainan. Sinubukan ni Bernadette Reyes kung pasok nga ba sa panlasa ang do-it-yourself na pizza, goto, at boodle kit na saktong pang pamilya!




Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:15 ng gabi, sa iisang Brigada.

Tags: brigada