Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, mas kilalanin sa Brigada!


BRIGADA
MAY 15, 2021

ARRIBA, RABIYA!
Pasabog ang rampa ng ating pambatong si Rabiya Mateo sa katatapos lang na Miss Universe 2020 National Costume Show. Suot ang mga kulay ng ating bandila, marami ang napa-wow sa ganda ni Rabiya. At dahil dito, mas lalong lumawig ang pag-asa ng kanyang mga kababayan na maiuuwi ni Rabiya sa ating bansa ngayong taon ang ating ikalimang Ms. Universe crown! Tinutukan ni Cata Tibayan ang Miss Universe journey ni Rabiya Mateo.

 

 
FOOD TRIP SA BAHAY
Sa pagkain tayo madalas bumabaling para mawala ang mga pinagdaraanan nating stress sa buhay. Pero kahit pa may pandemya, hindi ito makapipigil sa atin para ma-enjoy natin ang ating mga go-to comfort food na pwede nating pagsaluhan sa atin mismong mga tahanan! Ilan lang ang ihaw-ihaw, higanteng dessert buckets, at takoyaki with a Pinoy twist sa mga nilantakan ni Darlene Cay sa kanyang food trip sa bahay.
 

 

BLUE EYES

Sa unang tingin, walang pinagkaiba sa pangkaraniwang bata ang magkakapatid na sina AJ, Daisy Louie, at Noah. Pero kung titingnan ng malapitan, hindi maiiwasang mapansin ang kulay bughaw nilang mga mata. Imbes na kagiliwan, nakaranas pa raw ang magkakapatid ng pambu-bully at pangungutya dahil sa kakaibang kulay ng kanilang mga mata, dahilan para maging ilag sila sa ibang mga tao. Inalam ni Rida Reyes ang pinagdaraanan ng blue-eyed siblings na sina AJ, Daisy Louie, at Noah.

 

 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:05 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

 

 

 

Tags: brigada