Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
BRIGADA

Love story ng mga Pinoy at mga AFAM, itatampok sa Brigada!


BRIGADA
Airing Date: June 25, 2022
New timeslot: 8:45pm

 

AFAM LANG ANG SAKALAM!

Hindi na lang mga Pinay ngayon ang nakabibighani sa puso ng mga AFAM o “A Foreigner Assigned to Manila.” Sa katunayan, marami ring kuwento ng tagumpay na pagmamahalan ng mga afam at ng nakakatuluyan nilang mga beki. Isa sa mga maituturing na relationship goals ang kuwento ng mag-asawang Jeff at Mack na nagsimula ang love story sa isang online dating site noong 2014, hanggang sa nauwi ito sa kasalan isang taon ang makalipas. Nakabuo na rin sila ng sariling pamilya sa pamamagitan ng surrogacy. Nakilala ni Nelson Canlas ang ilang beki at afam na pinatunayang love wins!
Love stories involving AFAMs or “A Foreigner Assigned to Manila” are now evolving. LGBT couple Jeff and Mack crossed their paths in an online dating site in 2014, ended up getting married a year later, until they built their own family through surrogacy. Nelson Canlas finds out heartwarming beki and afam relationships.

 

 
 
SEX ENHANCERS
Para sa ilang matamlay na sex ang life, hindi maiiwasang kumapit sa mga produktong may pangakong nagpapalaki o nagpapasikip daw ng maseselang bahagi ng katawan, lalo na't lantaran na rin ang bentahan ng mga ito online. Ngunit babala ng mga eksperto, ibayong pag-iingat pa rin  ang dapat pairalin lalo na sa mga produktong hindi rehistrado, dahil hindi tiyak ang pagiging ligtas at epektibo ng mga ito. Inalam ni Mark Salazar kung paano natin malalaman kung legit nga ba ang nabili mong sex enhancers.
For some with a sluggish sex life, it is inevitable to be attracted to products that promise to enlarge or tighten the delicate parts of the body, especially since these are also openly sold online. But experts warn that extra caution should still be applied especially to unregistered products, as their safety and effectiveness are uncertain. Mark Salazar investigates the sex enhancer trade.
 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado sa mas maagang timeslot, 8:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday at an earlier timeslot, 8:45pm in Brigada on GTV.