Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Irrawaddy dolphin, singing pets, market porter-turned ballet dancer, tampok ngayong Sabado sa 'Brigada'!


BRIGADA
Airing Date: September 17, 2022

KA-DUET KO SI BANTAY

Patok sa ating mga Pinoy ang kantahan. Kaya naman labis ding kinagigiliwan ang mga video ng mga alagang hayop na lumalaban din sa biritan! Mayroong sumasabay lang sa pagsipol ng kanyang amo, samantalang hindi rin pahuhuli ang ilang nakiki-duet pa sa videoke na mistulang may sariling konsiyerto! Nakilala ni Aubrey Carampel ang ilan sa mga cute na cute na mga asong viral ngayon dahil sa kanilang golden singing voice!

 

 

Filipinos love to sing. That's why videos of singing pets are sure great hits! Aubrey Carampel meets some of the cutest singing canines that are spreading good vibes online!

SAVE OUR SEAS

Tahanan ang ating bansa ng maraming mga nilalang na pinaka-pambihira at natatangi sa buong mundo. Kabilang dito ang irrawaddy dolphin, isang uri ng dolphin na malapad ang noo at bilugan ang nguso, at kabilang sa listahan ng mga critically endangered species o nanganganib nang maubos. Sa kasamaang palad, aksidenteng nalambat ng ilang mangingisda sa Camarines Sur ang isang irrawady dolphin, na naging sanhi ng pagkamatay nito. Siniyasat ni Mav Gonzales ang estado ng marine conservation dito sa Pilipinas.

 

 

Our country is home to many creatures that are the most rare and unique in the world. This includes the irrawaddy dolphin, a type of dolphin with a broad forehead and rounded snout, which is on the list of critically endangered species. Unfortunately, some fishermen in Camarines Sur accidentally caught an irrawady dolphin, causing its death. Mav Gonzales inspected the state of marine conservation here in the Philippines.

DANCE OF HOPE

Dating kargador sa mga palengke sa Davao si Carlo. Mahirap ang buhay sa ganitong trabaho, kaya naman noong makita niyang may pag-asa siyang magtagumpay sa pagsasayaw, hindi na niya ito pinalampas. Ngayon, isa na siya sa mga pinakamahuhusay na mananayaw ng Ballet Philippines, na siya ring naghatid sa kanya ng oportunidad para makapagtanghal sa iba't ibang bahagi ng mundo at maipamalas sa iba ang kanyang talento. Ibinahagi ni Carlo kay Katrina Son ang kanyang natatanging kuwento.

 

 

Carlo used to be a market porter in Davao. Life is hard in this job, that's why when he saw that he could pursue dancing, he didn't miss the opportunity. Today, he is one of the best dancers of Ballet Philippines, which has also brought him the chance to perform in different parts of the world and showcase his talent to others. Carlo shares his inspiring story with Katrina Son.

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 8:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 8:45pm in Brigada on GTV.

Tags: brigada