ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Food poison, pawikan and breast cancer
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 20, 2008 Friday night, after Saksi Toxic Food Just recently, ninety students from Cupang and Mambugan Elementary Schools were sent for medical treatment to Amang Rodriguez Memorial Medical Hospital after they were diagnosed of food poisoning. After they have allegedly eaten meals from their school canteen, many of them threw up and had stomach ache. Now that schools have just opened, Emergency examines the possible cause of food poisoning and how it can be prevented by students, particularly those who buy food from their school. Turtle as Remedy? Almost all parts of pawikan are valuable. Its egg and meat are edible. Its shell on the other hand can be used as accessories or medication for some illness. A local doctor from Bicol, as a matter of fact, use pawikan when attending to some health complaints, such as body ache, asthma and even loss of hair. Combs, bracelets and earrings made from the shell of pawikan are also being sold there. They are claimed to be effective treatment for body ache, and muscle pain. That is the reason why many patronize and buy them, even it is strictly prohibited. Find out if pawikan is really effective in the treatment of health problems or they are just lured by scrupulous traders. Tough Battle It all began with a small bumpâ¦but now Emily Guatatoâs right breast has almost been decaying. Two years have passed since she was diagnosed with breast cancer. And up to now, she is carrying the misery of pain caused by her fatal illness. Cancer of the breast is the leading type of cancer which strikes women. Thirty years and older are more prone to breast cancer, according to the World Health Organization. It is also the leading cause of death of an estimated five hundred thousand women in the whole world in 2005. How could one face this tough battle against cancer? Find out all of these stories on Emergency with Arnold Clavio, Friday night after Saksi.
Nakalalasong pagkain Kamakailan, siyamnapung estudyante mula sa Cupang at Mambugan Elementary Schools ang dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Hospital matapos silang ma-food poison! Matapos raw kumain ng pagkain sa kanilang canteen, sunod sunod na ang mga nagsuka at sumakit ang tiyan. Ngayong panahon na naman ng balik-eskuwela, sisisyasatin ng Emergency ang sanhi nito at kung paano magiging ligtas ang mga estudyante mula sa food poisoning lalo na sa sarili nilang mga paaralan. Gamot na Pawikan? Tila wala raw maitatapon sa Pawikan, dahil mula sa itlog hanggang sa karne ay kinakain ito. Ang shell naman, ginagawang accessories o di kaya ay gamot. Sa isang lugar sa Bicol, pawikan ang ginagamit panggamot ng isang albularyo pantanggal sa sakit gaya ng lamig sa katawan, asthma at maging ang ng pagkapanot ng buhok. Binebenta rin daw sa lugar ang mga suklay, pulseras, hikaw at singsing gamit ang shell ng pawikan. Mabisa raw ito sa pagtanggal ng lamig o hangin sa katawan at para hindi sumakit ang ating mga kalamnan. Kaha kahit bawal, marami pa rin ang palihim na bumibili rito. Epektibo nga ba talaga ang mga pawikan sa katawan o nagiging biktima na lang sila ng mapanlokong negosyo? Dibdibang Laban Nagsimula lang sa isang maliit na bukolâ¦.ngayon halos mabulok na ang kanang suso ni Emily Guatato. Dalawang taon na ang nakalilipas noong huling madiagnose siya ng breast cancer. At hanggang ngayon nagdurusa siya sa kirot na dulot ng kaniyang sakit. Ang kanser sa suso ang nangunguna sa mga uri ng cancer na tumatama sa mga kababaihan. Kadalasang tinatamaan nito ang nasa edad 30 pataas at ayon sa WHO, ito ang dahilan ng pagkamatay nang humigit kumulang na kalahating milyon ng mga kababaihan sa buong mundo noong taong 2005. Paano nga ba haharapin ang dibdibang laban sa breast cancer? Ngayong Biyernes na mapapanood ang mga ito! Kasama si Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

More Videos
Most Popular