ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Sandra Aguinaldo's
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on July 26, 2008 Saturday, 11:30 p.m. In the Maranao culture, the "karangaya" tradition of arranged marriages continues to this day. Modern Maranao families continue to arrange their children's unions, often at a very young age. This Saturday, Sine Totoo presents Sandra Aguinaldo's documentary that introduced viewers to the many faces of this tradition - "Karangaya: Inareglong Kasal". Sandra meets Fajad Mangotara and Olily Hadjisalic, two grade schoolers whose parents decided to marry them at the ripe old age of six! Though not yet living together, the children seem to have no other choice but to follow their parents' will. Sandra also meets Ibrahim and Johanifah Razul, two teenagers whose marriage was arranged to end the bloodshed between their warring families. Ibrahim's cousin killed Johanifah's father's brother. The mayor of the town intervened between the two clans, and arranged the wedding to summarily stop the war. However, not all of the Maranao continue to stand by this tradition. Minang Sharief, an English professor from the Mindanao State University, refused to obey her father's wish that she marry her uncle at the age of thirteen. Her defiance of this sacred tradition has resulted in other Maranao women saying no to arranged marriages. In an interview with Sine Totoo host Howie Severino, Sandra Aguinaldo shares how as a journalist, she was conscious not to let her own biases and beliefs affect how she covered and wrote this documentary. "Karangaya: Inareglong Kasal" gives viewers a deeper understanding of a tradition that has set the Maranaos apart from the rest of the tribes in Mindanao. It airs again this Saturday night on Sine Totoo.
Sa kultura ng mga Maranao sa Lanao Del Sur, patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang "karangaya," isang tradisyon kung saan ipinagkakasundo ng dalawang pamilya ang kasal ng kanilang mga anak. Ngayong Sabado sa Sine Totoo, mapapanood muli ang dokumentaryong nagpakita ng iba't ibang mukha ng tradisyong ito - ang "Karangaya: Inareglong Kasal" ni Sandra Aguinaldo. Nakilala ni Sandra sina Fajad Mangotara at Olily Hadjimalic, mga batang sa edad na anim na taon ay mag-asawa na! Hindi pa nagsasama sina Fajad at Olily. Pero 'di pa man nila naiintindihan ang kahulugan ng pag-aasawa, itinakda nang sila ay maging magkabiyak. Mayroon ding mga inareglong kasal para mawakasan ang rido o away sa pagitan ng dalawang angkan. Sina Ibrahim at Johanifah Razul, ipinagkasundo ng mayor ng kanilang bayan para tuldukan ang rido. Pero hindi lahat ng mga anak, pumapayag sa ganitong kasunduan. Si Minang Sharief, isang propesor sa Mindanao State University, hindi pumayag na makasal sa kanyang tiyuhin nang ipagkasundo siya rito ng kanyang mga magulang sa edad na trese. Ayon mismo kay Minang, naging simula raw ito ng pagbabago ng paniniwala ng ilang mga babaeng Maranao sa "karangaya". Sa panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo, ibinahagi ni Sandra Aguinaldo na bilang isang mamamahayag, tiniyak niyang hindi nakaapekto ang kanyang paniniwala sa paggawa ng dokumentaryong ito. Mapapanood muli ang "Karangaya: Inareglong Kasal" sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular