ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Wish Ko Lang!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on August 16, 2008 Saturday, 11:15 p.m. This Saturday night, Sine Totoo presents the stories of hard work and determination of two old men...for love of their families. This Wish Ko Lang! episode won the Silver Screen Award at this yearâs U.S. International Film and Video Festival. Because he only has 50 pesos to spend, 82-year old Jan Pabilona rides a bus from his home in Cavite up to Baclaran...then embarks on a two-hour walk to Ortigas. Without resting, he stops by almost every building to ask for job openings that may be available for him. Despite being turned down all the time, Lolo Jan continues his efforts and maintains a positive outlook in life. He gets his strength from his wife, who is nearly blinded by eye cataracts, and his only daughter, who was forced to drop out of school to work in a factory. In a small town in Bicol, there lives a family whose members all have physical disabilities. 73-year old Erin Non is blind, his wife can no longer walk because of a pelvic injury, and their three children were all born mute and deaf. For a living, Lolo Erin fetches water for his neighbors. Every day he walks through the muddy streets of the village â from the common water pump to the house of a neighbor and back â carrying a pole, with two pails tied on both ends, over his shoulders and a walking stick in his hand. For this, he earns 35 pesos a day...just enough for a kilo of rice and a few pieces of dried fish. In an interview with Sine Totoo host Howie Severino, Vicky Morales and segment producer Branden Milla share how the showâs staff, along with many private companies, work as a team to grant wishes of the most deserving cases that they encounter. They also share their own wishes for our country. The heart-warming stories of Lolo Jan and Lolo Erin air again this Saturday night on Sine Totoo.
Ngayong Sabado ng gabi, tampok sa Sine Totoo ang dalawang istorya ng pagsasakripisyo ng dalawang matatandang ama...para sa kanilang mga pamilya. Pinarangalan ng Silver Screen Award sa U.S. International Film and Video Festival ang episode na ito ng Wish Ko Lang!. Baon ang limampung piso, sumasakay ng bus ang 82 taong gulang na si Jan Pabilona mula Kawit, Cavite hanggang Baclaran...at mula roon, maglalakad patungong Ortigas. Matapos ang dalawang oras na paglalakad, iisa-isahin naman ni Lolo Jan ang mga gusali para maghanap ng kumpanyang mapapasukan ng trabaho. Madalas mang bigo, patuloy pa rin sa paghahanap si Lolo Jan taglay ang positibong pananaw sa buhay. Pinagkukunan niya ng lakas ang kanyang asawa na di na halos makakita dahil sa katarata, at ang nag-iisang anak na kinailangang huminto sa pag-aaral upang magtrabaho sa pabrika. Sa isa maliit na bayan sa Bicol, nakatira ang isang pamilyang lahat ng miyembro ay may kapansanan. Bulag ang 73 taong gulang na si Erin Non, hindi naman makalakad ang asawa niya dahil sa bali sa balakang, samantalang pipi at bingi naman ang tatlo nilang anak. Para mabuhay, ipinag-iigib ng tubig ni Lolo Erin ang mga kapitbahay. Araw-araw, iniikot niya ang buong barangay, sukbit sa kanyang balikat ang isang kahoy na pinagsasabitan ng dalawang balde ng tubig, at tungkod naman sa isang kamay. Sa paraang ito, kumikita siya ng 35 piso â sapat lang para sa isang kilong bigas at isang balot ng tuyo. Sa panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo kina Vicky Morales at segment producer na si Branden Milla, naibahagi nila kung paano nagtutulungan ang buong staff ng programa at mga pribadong kumpanya para tuparin ang kahilingan ng mga taong nararapat lamang tulungan maging ang sarili nilang mga kahilingan para sa bansa. Mapapanood ang nakaaantig na kuwento nina Lolo Jan at Lolo Erin sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular