ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Two award-winning episodes on Sine Totoo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on August 30, 2008 Saturday, 11:30 p.m. Two award-winning stories of Reporter's Notebook air this Saturday night on Sine Totoo. Maki Pulido exposes the shocking condition of a Bacolod City slaughterhouse. A few meters from the entrance, Maki can already smell the stench coming from inside. Animals are slaughtered on the dirty floor by barefoot butchers, using primitive techniques. Their waste is unceremoniously dumped into canals that flow out into a nearby river. Jiggy Manicad visits a community termed Pulong Diablo, which has become a haven for criminals and fugitives. Not a week passes without violent fights among the residents. Because of its notoriety, even the police reportedly fear entering the neighborhood. Sine Totoo host Howie Severino interviews Reporter's Notebook's program manager Clyde Mercado on how and why he started this news magazine show four years ago. Segment producer Anj Guidaya-Atienza shares her experiences in producing stories for the program. "Bahay Katayan" and "Pulong Diablo" - both awarded Certificates for Creative Excellence at the US International Film and Video Festival - are two critically acclaimed stories airing on a single night, this Saturday on GMA's Sine Totoo.
Tampok sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi ang dalawang award-winning story ng programang Reporter's Notebook. Isiniwalat ni Maki Pulido ang nakakikilabot na kondisyon ng bahay-katayan sa lungsod ng Bacolod. Madulas ang sahig dahil basa ng tubig at dugo, kaya nakapaang nagtatrabaho ang mga matador para makaiwas sa pagkakadulas. Dahil sa kawalan ng maayos na kagamitan, sa maruming sahig din kinakatay ang mga hayop. Diretso naman ang mga dumi sa kanal na dumadaloy palabas sa isang ilog. Sa katayang ito nagmumula ang karneng dinadala sa mga pampublikong palengke sa siyudad. Binisita naman ni Jiggy Manicad ang isang komunidad na tinaguriang Pulong Diablo - na naging taguan ng mga kriminal at mga takas sa kulungan. Hindi lumilipas ang isang linggo na walang gulo. Dahil sa masamang reputasyon ng mga residente roon, maging ang mga pulis ay natatakot umanong pumasok. Nakapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo ang program manager ng Reporter's Notebook na si Clyde Mercado tungkol sa pagbuo niya sa programa noong 2004. Ibinahagi naman ng segment producer na si Anj Guidaya-Atienza ang mga karanasan niya sa paggawa ng mga storya para sa programa. Kapwa pinarangalan ng Certificate for Creative Excellence ang "Bahay Katayan" at "Pulong Diablo" sa US International Film and Video Festival. Mapapanood itong muli sa Sine Totoo ngayong Sabado ng gabi.

More Videos
Most Popular