Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ghosts of tragedies


Episode on October 31, 2008 Friday night after Saksi On Emergency's Halloween special, hair-raising stories unfold in the center of two of the biggest tragedies in the country. The Mayon mudslide in Albay during Typhoon Reming in 2006 buried many residents alive. Survivors attest that sometimes, they still hear wails and cries at night up to this day. They believe that these are voices of the dead victims asking for help. This brings fright to the residents, but experts say that there are other things that they should be more concerned about. Meanwhile, after MV Princess of the Stars sank in Sibuyan Island, fishermen began to see a big orb of light at night. This is like ball of fire that abruptly appears in the waters of Sibuyan. Fishermen fear this, because one of their companions fell over the boat and drowned upon seeing the strange glare. How could the experts explain this phenomenon? Discover the truth behind these bizarre stories on Emergency's Halloween special, with Arnold Clavio this Friday, October 31, 2008 right after Saksi.
Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang ng ikalabing tatlong anibersaryo ng Emergency, hahalukayin ang multo ng dalawang malalaking trahedyang naganap sa bansa. Mga boses at ungol ng mga mga taong nanghihingi ng tulong. ito ang naririnig ng ilang mga tao sa isang ghost town sa Albay. Boses daw ito ng mga biktima ng Mayon Mudslide, isa sa mga trahedya na dulot ng Typhoon Reming noong 2006. Sa kasagsagan ng bagyo, nagkaroon ng mudslide kung saan nagsama ang tubig at lahar flow at bumababa mula sa bulkan papunta sa iba't ibang lugar ng Albay. Nang dahil sa mudslide, ilang baranggay ang natabunan. mga bahay, ari-arian at maging mga tao, nalibing ng buhay! Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa raw nila ang multo ng sakunang nanalanta sa kanilang bayan. Pero sa kabila nito, ano kaya ang tunay na panganib na kanilang hinaharap? Samantala. matapos lumubog ang MV Princess of the Stars malapit sa Sibuyan Island, ibang kababalaghan ang naranasan ng mga mangingisda roon. May mga gabi raw na sumusulpot ang isang bolang apoy sa karagatan. Santermo ang tawag nila dito. At dahil sa bigla bigla nitong paglitaw, may isang mangingisdang nagulat dito at nahulog sa dagat. Hindi na ito nakaahon ng buhay. Sa kanilang palagay, mga kaluluwa ito ng mga biktimang nanghihingi ng katahimikan. Pero ano kaya ang paliwanag ng mga eksperto sa misteryong ito? Hukayin ang katotohanan sa likod ng mga multo ng trahedya sa Halloween special at ika 13 anibersaryo ng Emergency, Oktubre 31, 2008, Biyernes, kasama si Arnold Clavio pagkatapos ng Saksi!
Tags: emergency