ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kamatayan sa kapatiran


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 13, 2008 Thursday night after Saksi On August 27, 2007, the life of graduating Public Administration student Cris Anthony Mendez suddenly ended due to severe beatings in the initiation rite for neophytes of the Sigma Rho Fraternity in UP Diliman. Cris was the latest victim in the long list of hazing-related deaths in the Philippines. This Thursday on Case Unclosed, Kara David reopens Cris’ story and investigates on his case, together with other hazing-related deaths that remain unsolved up to this day. One such case is that of Lenny Villa, who also died in the initiation of Aquila Legis Fraternity. 17 years after his death, the criminal cases filed against the accused are still pending. What is it in fraternities that attract students to join this so-called brotherhood, despite the violent tradition of hazing? Case Unclosed talks to a Fraternity Grand Archon who reveals in detail what really happens during an initiation. Also, listen to a neophyte as he discloses his reasons in joining a fraternity in spite of the growing number of hazing victims. Under the direction of acclaimed indie filmmaker Rica Arevalo, join Kara David as she re-examines unsolved cases and find answers to longstanding questions in Case Unclosed airing this Thursday midnight after the late night newscast Saksi.
Ang pagkamatay ni Cris Mendez noong Agosto 27, 2007 dahil sa sobrang pagkabugbog sa initiation ng Sigma Rho Fraternity ng UP Diliman ang pinakahuling kaso ng hazing sa Pilipinas. Isa lang si Cris sa napakaraming kabataan na naudlot ang buhay nang dahil sa kagustuhang makapasok sa fraternity. Ngayong Huwebes sa Case Unclosed, muling bubuksan ni Kara David ang kaso ng pagkamatay ni Mendez at aalamin kung bakit hindi pa rin ito nalulutas, gaya ng iba pang kaso ng hazing na hanggang ngayo’y nakabinbin ang mga kaso. Gaya na lang ng nangyari kay Lenny Villa na namatay labing pitong taon na ang nakararaan sa hazing na diumano’y ginawa sa kanya ng Aquila Legis Fraternity. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng kanyang inang si Gerarda Villa ang hatol laban sa mga akusado ng mga kasong nakahain sa Regional Trial Court, Court of Appeals at Supreme Court. Bakit nga ba matindi ang pagnanais ng mga estudyanteng makapasok sa mga fraternities, sa kabila ng marahas nitong tradisyon ng initiation? Paano naatim tanggapin ng mga neophytes ang sakit ng palo ng paddle kapalit ng sinasabing samahan at kapatiran? Isang Grand Archon ng fraternity at isang neophyte ang nakausap ng Case Unclosed tungkol sa mga totoong nangyayari sa initiation rites ng isang frat. Sa direksyon ng premyadong indie filmmaker na si Rica Arevalo, muling balikan ang mga tanong ng nakaraan kasama si Kara David sa Case Unclosed, ngayong Huwebes ng hatinggabi, pagkatapos ng Saksi.
Tags: caseunclosed