ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents "Kalam"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 13, 2008 Saturday, 11:30 p.m. This Saturday, Sine Totoo airs GMA News and Public Affairs' special on food security - "Kalam." Hosted by award-winning broadcast journalists Vicky Morales, Jiggy Manicad, Jay Taruc, and the late young actor Marky Cielo, "Kalam" takes an in-depth look at the issues surrounding hunger and food security in the country. Vicky Morales comes face to face with those suffering the blow of surging rice prices in Mindanao, where poverty and malnutrition have hit. Jay Taruc journeys to his home province, Nueva Ecija in Central Luzon, known as the country's "rice bowl." Along the way, he encounters problems afflicting local agriculture, including poor irrigation facilities, milling techniques that date back to the pre-war period, and a lack of infrastructure - all of which contribute to low rice productivity. In Thailand and Vietnam, the two biggest rice producing countries, Jiggy Manicad examines the policies that resulted in agricultural growth. Back home in Laguna, where the International Rice Research Institute is based, he deals with the question of how the Philippines, once a rice exporter, became the biggest rice importer in the world. Behind each grain of rice is also a farmer's story. Marky Cielo, his roots in the North, travels to Ifugao province to uncover problems facing indigenous rice farmers. At the center of all these issues is securing the most basic human need - enough food, accessible to all. "Kalam," inspired by a Filipino term used to describe the rumbling of a hungry stomach, depicts the current state of many Filipino families, and attempts to explain how a stronger government policy is at the heart of the survival of its citizens. Don't miss "Kalam" as it airs again this Saturday night on Sine Totoo.
Ngayong Sabado, magbabalik sa Sine Totoo ang espesyal na pagtatanghal ng GMA News and Public affairs ukol sa gutom at sa seguridad sa pagkain - ang "Kalam". Pinangunahan ito ng premyadong mamamahayag na si Vicky Morales, kasama sina Jiggy Manicad, Jay Taruc at ang yumaong aktor na si Marky Cielo. Sa Mindanao, nakababahala ang tumataas na insidente ng kahirapan at gutom. Personal na nasaksihan ni Vicky Morales ang mga taong labis na naapektuhan ng kagyat na pagtaas ng halaga ng bigas. Nagbalikbayan naman si Jay Taruc sa Nueva Ecija, kilala bilang "rice bowl" ng bansa. Sa kanyang paglalakbay, hinarap niya ang ilang mga suliranin na nakaaapekto sa lokal na pagsasaka, kabilang ang palpak na irigasyon, lumang pamamaraan ng pag-aani, at kawalan ng wastong inprastraktura na nagreresulta naman sa mababang ani ng bigas. Sa Thailand at Vietnam, dalawang bansang may pinakamalaking ani ng bigas, siniyasat ni Jiggy Manicad ang mga polisiya na nagbunga ng mabuti sa kanilang sektor ng agrikultura. Ang bawat butil ng bigas na inaani ay may kaakibat ding kwento ng mga magsasaka. Si Marky Cielo, na may dugong nag-uugat sa ilang tribo sa Hilagang Luzon, tinahak ang rehiyon ng Cordillera upang maisiwalat ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka sa lugar. Sa gitna ng lahat ng isyu ay ang paniniguro na ang publiko ay magkaroon ng sapat na pagkain na abot-kaya ng lahat. Ang "Kalam", hango sa isang kataga na naglalarawan ng walang laman at kumukulong sikmura, ay maglalahad ng kasalukuyang gutom ng maraming pamilyang Pilipino, at ang halaga ng patakaran ng gobyerno upang masiguro ang maayos na pagkain para sa taombayan. Huwag palampasin ang makabuluhang pagtatanghal ng "Kalam", ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular