ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents "Pantasya ng Bayan"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 10, 2009 Saturday, 11:30 p.m. In a search for the original Darna movie, Howie Severino and his team end up in Thailand ... and find an intriguing connection between the Filipina superheroine and Buddhist monks. Relive their journey of discovery on "Pantasya ng Bayan," when it airs this Saturday night on Sine Totoo. Darna, Encantadia, Mulawin... some of the first fantasy on TV that captivated the Philippines. But where did our fascination with fantasy begin? Howie Severino and his team seek the answer in the country's lost cinema. Learning that most early Filipino movies are missing, the I-Witness team embarks on an investigation that eventually takes them to Bangkok and then further north in Thailand. There they find a vintage film with a familiar character with snakes sprouting from her head. But is this film really the original Darna? And if so, how did it end up in this corner of our Buddhist neighbor? Before this feature airs, Howie Severino, also Sine Totoo host, explains how his team rode on the popularity of Darna to discuss the deeper issue of lost Filipino films. Aided by movie historian and acclaimed documentarist Nick Deocampo, Howie's team solves a quirky showbiz mystery and brings home a completely unexpected bonus. Catch "Pantasya ng Bayan" again on Sine Totoo this Saturday night.
Sa paghahanap sa orihinal na pelikulang Darna, nakarating sina Howie Severino at kanyang I-Witness team sa Thailand at doon nakita ang nakaiintrigang koneksyon sa pagitan ng Pinay superhero at ng mga mongheng Budista. Ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo, alamin ang kanilang natuklasan sa dokumentaryong "Pantasya ng Bayan". Darna, Encantadia, Mulawin. ilan sa mga pinakaunang telepantasyang kinahumalingan ng mga Pilipino. Pero saan nga ba nagsimula ang ating pagkahumaling na ito sa pantasya? Hinanap ng grupo ni Howie Severino ang kasagutan sa mga nawawalang pelikulang Pilipino. Ang paghahanap sa mga pelikulang ito ang nagdala sa grupo sa Bangkok at sa malayu-layo pang bahagi sa hilaga ng Thailand. Doon nila natagpuan ang isang lumang pelikula na kinabibidahan ng tauhang may mga ahas sa ulo. Pero ito nga ba ang orihinal na Darna? Kung oo, paano ito nakarating sa Thailand? Bago ipalabas ang dokumentaryo, ipaliliwanag ni Howie Severino, na siya ring host ng Sine Totoo, kung paano nagamit ng grupo ang popularidad ng pinakabagong bersyon ng Darna para talakayin ang mas malalim pang isyu ng mga nawawalang pelikula. Kasama si Nick Deocampo, isang film historian at kilalang director, tinuklas ng grupo ni Howie ang misteryong ito at iniuwi sa Pilipinas ang isang hindi inaasahang bonus. Huwag palampasin ang "Pantasya ng Bayan" ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.
Tags: sinetotoo