ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang daan sa Happy Land
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 30, 2009 Saturday, 9:30 a.m. Ang Daan sa Happy Land! May mga bagong kaibigan tayo tuwing Sabado⦠sina Ate Bel, Ana, at Buboy! Tuklasin kung paano nabuo ang kanilang mga kuwento sa loob ng makulay na mundo ng Happy Land, ang pinakabagong childrenâs show ng GMA7! Napakaraming bata ang nagnais maging bahagi ng Happy Land, pero dalawa lang ang mapalad na napili bilang bida! Sino sila at sino ang mga tauhang gagampanan nila, matutuklasan ngayong Sabado! Mga Bagong Kapitbahay sa Happy Land May mga katanungan ba kayo tungkol sa mundo ng siyensiya? Siguradong si Bulatelino ay may sagot diyan! Meet Bulatelino ang cute at henyong bulate ng Happy Land! Ngayong Sabado, makikita kung paano siya binigyang buhay ng mga puppeteers ng Roppets Puppets! At gusto niyo bang pumasyal sa ibaât ibang lugar? Sasamahan kayo nina Popoy at Kokoy, ang mga Dagang Gala! Sa tulong ng mga animators ng Fahrenheit, ang mga drawings ng dalawang dagang ito ay nabigyang buhay! Mga Mundo sa Happy Land Pero hindi lang mga bagong kaibigan ang ating makikilala at makikita sa Happy Land, kundi mga bagong mundo rin! Tuklasin ang mahiwagang kagubatang puno ng mga nagsasalitang hayop sa Tierra, ang mundo ng mahika sa Mythos, at ang ganda sa ilalim ng karagatan sa Oceanus! Ilan lang ito sa mga makukulay na mundo na siguradong gigising sa inyong imahinasyon! Siguradong sa loob ng Happy Land, napakaraming matututunan! Kayaât ngayong Sabado, 9:30 ng umaga, huwag kaligtaang tuklasin ang makukulay at masasayang mundo sa loob ng Happy Land!
Tags: happyland
More Videos
Most Popular