ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Loren Legarda, Tingting Cojuangco, at Rizalito David sa Kandidato 2013: Senador
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KANDIDATO 2013: SENADOR
Airing date: March 14, 2013
Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA 7, sina Sen. Loren Legarda, Tingting Cojuangco at Rizalito David naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Howie Severino sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Matapos malaglag bilang guest candidate ng UNA, ano na kaya ang mga susunod na hakbang ni Senator Loren Legarda sa pangangampanya? Ngayong mainit pa rin ang kaguluhan sa Sabah, ano kaya ang kanyang opinyon dito bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations? Anu-ano naman kaya ang mga natutunan niya matapos matalo sa pagka-bise presidente noong 2010? Kung papalaring manalo, ito na rin ang huli niyang termino sa senado. May balak pa kaya siyang bumalik sa media anim na taon mula ngayon?
Ang kilalang modelo at socialite na si Tingting Cojuangco, diretsahang tinanong kung isa siya sa mga umano’y nagbigay ng pondo sa pamilya Kiram. Kahit ang pamangkin niya ang kasalukuyang pangulo, si Cojuangco hindi naniniwalang sila ay isang ppolitical dynasty. At sa kabila raw nang pagtatapos niya ng iba’t ibang kurso, inamin ni Tingting na hirap pa rin siyang kumawala sa imahe niya bilang modelo. Ano nga ba ang kakayahan bilang mambabatas?
Hindi man daw kilala ang isa sa pambato ng Ang Kapatiran party, hindi na raw bago kay Rizalito David ang pulitika dahil nakapagtrabaho na siya bilang staff ng ilang senador. Pero sapat na ba ang kanyang mga karanasan para maupo sa Senado? Sasagutin din niya ang mga batikos sa kanyang ugali. Pikon at war freak nga ba siya?
Samahan sina Arnold Clavio at Howie Severino na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-14 ng Marso pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

More Videos
Most Popular