Danger behind the scenes; insect food
Many heart-stopping scenes on movies are done at considerable risk to actors and stunt men. Action star Robin Padilla suffered burns following an on-screen explosion. Actor and host Edu Manzano, now anti-video piracy chief, also figured in a motorcycle accident during a stunt. Emergeny, led by host Arnold Clavio, features the risks faced and overcome by actors to make film action scenes look good. In fields surrounding the northern Philippines city of Tuguegarao, some residents have laid out traps for beetles and grasshoppers, which end up in the frying pan. The traps are unique, made up of a tangle of ropes and use animal waste as bait. Emergency also checks if these insects are safe to consume as food. Donât miss these Emergency stories on Friday late night after Saksi, on GMA-7.
Peligro sa likod ng aksyon Makapigil hininga at totoong-totoo.ganyan ang mga eksena sa action films na ipinalalabas sa atin. Sa sobrang makatotohanan, animo'y bahagi ka na ng pelikula. Pero minsan, ang panganib ay hindi sa eksena lang kundi nagiging totoo na! Si Robin Padilla, nalapnos ang balat dahil sa isang pagsabog na eksena sa shoot. Maging si Edu Manzano, hindi nakaligtas sa aksidente sa motor nang mag-taping sa pelikula. Tutukan sa Emergency ang kwento ng mga artistang sa gitna ng maaksyon at mapanghamon sa pagganap ay aksidente ang kinauwian. Pagkain ng salagubang at tipaklong Sa kabukiran ng Tuguegarao ay may mga nag-aabang na ilang residente para sa kanilang huli. Handa na ang kanilang patibong na gawa sa lubid at kapag may dumapong salagubang.siguradong kawali ang direcho ng insekto! Hindi basta-basta ang patibong na gamit ng mga residente rito. Ang lubid kasi ay pinapahiran pa ng kakaibang sangkap para maakit ang mga salagubang na dumapo.ito ay ang dumi ng hayop! Hindi lang salagubang ang paboritong kinakain ng mga ilang taga-Tuguegarao. Mahilig din sila sa tipaklong. Paano naman kaya hinuhuli ito? Ligtas nga bang kainin ang mga ganitong insekto? Panooring ang mga kuwentong ito ng Emergency sa Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA-7.