Tok! Tok! Tok! Isang milyon, pasok!
Ang sexy actress, ang teledrama kontrabida at ang mahikerong komikero, maghaharap-harap ngayong linggo sa patibayan ng dibdib! Huwag kaliligtaan ang tapatang magaganap sa pagitan nila Assunta De Rossi, Bearwin Meily at Mylene Dizon. Alamin kung sino sa kanila ang buong tapang na ginawa ang challenges at kung sino ang napaurong. Matagalan kaya ni Bearwin ang pagkakabitin nang patiwarik? Kainin kaya ni Assunta ang uod steak? Malagpasan kaya ni Mylene ang mga ahas sa Limbo Snake? At totoo ba ang balitang nahulaan ng isang contestant kung saan nakatago ang Grand Prize na isang milyong piso? May tatanghalin na naman bang bagong milyonaryo? Papasukin ang suwerte sa inyong mga tahanan! Tipunin ang buong pamilya at tunghayan ang number one show tuwing Linggo, ang "Tok! Tok! Tok! Isang Milyon, Pasok!", alas siyete ng gabi pagkatapos ng "Mga Kuwento ni Lola Basyang."