ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Panganib na dala ng tambakan ng coal sa Maynila, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Sa port area sa Maynila, matatagpuan ang gabundok na tambak ng mineral na coal. Mula sa himpapawid makikita kung gaano ito kalawak at kung gaano ito kalapit sa mga bahay. Ang nakababahala, ang tambak ng coal, nagdudulot raw ng peligro sa kalusugan ng mga residente.


Hirap huminga, hindi makatulog at pinahihirapan ng ubo at sipon ang kambal na sina John Carlo at John Joshua. Isang buwan pa lang ang kambal at payat na payat ang pangangatawan. Daing ng kanilang lola na si Joy, pinalalala ang kanilang sitwasyon ng maitim na hanging nalalanghap nila sa murang edad. Nakatira kasi sila sa mismong gilid ng tambakan.

May sakit naman sa baga ang singkwenta’y dos anyos na si Lolo Segundo. Lalo raw nagpapahirap sa kanya ang maitim na hanging nalalanghap.


Sa pagsisiyasat ng Reporter’s Notebook, natuklasan namin na ang tatlong imbakan ng coal sa Maynila, walang permit to operate mula sa Environmental Management Bureau o EMB. Kaya nakapagtataka kung paano sila nakapagpapatuloy ng operasyon sa kabila ng kawalan ng permiso. Sino ang may pananagutan sa pangyayaring ito?
Tags: plug, reportersnotebook
More Videos
Most Popular