ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Animal care, the Doña Paz tragedy, and rotting eggs


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on July 20, 2007 Friday late night after Saksi Animal care Leslie had both her legs broken after an accident and can only get around with the help of a small wheelchair. Leslie is a dachshund who has the good fortune of having a loving master. In the past, many animals with crippling injuries were simply left to suffer. Now, with the help of technology, their disabilities can be somehow remedied. Wheelchairs, physical therapy, carts and ACL operations (and even tigers can get dentures!) are but some of the medical services that can be extended to animals today. Lost at sea Only recently, the M/V Blue Water Princess was lost in waters off Quezon province after huge waves buffeted the roll-on, roll-off vessel. Eleven people died in the sinking. There is a long list of ships and victims that have been lost in the country’s seas. It is believed many of these mishaps could have been prevented. Who can forget the sinking of the passenger ship M/V Doña Paz 20 years ago that cost the lives of more than 4,000 people? Emergency looks back at this disaster and tries to finds what lessons were learned from the tragedy. Rotting eggs There are different names for calling eggs that fail to fully develop and give off a rotten smell, although these are commonly known as abnoy na itlog. At a barangay (village) in Bulacan, the smelly eggs are consumed as a delicacy. Residents claim these make them stronger, enhances their appetite, and even cures rheumatism. Find out if their beliefs are founded and the possible health effects of consuming these rotting eggs. Watch Emergency, hosted by Arnold Clavio, this Friday late night after Saksi on GMA.
Hayop sa Pagmamahal! Si Leslie ay may kapansanan. Matapos maaksidente, napilay ang dalawa niyang mga paa. Pero sa tulong ng wheelchair, siya ngayon ay nakakapaglakad na. Si Leslie ay isang Ducshound na may among mapagmahal sa kanyang mga alagang hayop. Kung dati rati, ang mga hayop na may kapansanan ay nahahayaang pagdusahan ang kanilang kundisyon. Ngayon, dahil sa makabagong teknolohiya, maaaring magawan ng paraan ang kapansanan nila! Wheelchair, physical therapy, cart at ACL operation ay ilan lang sa mga serbisyong medical na pwede na rin sa hayop. Pati nga pustiso, pwede na rin sa tigreng bungal! Sa Bingit ng Peligro: Laot Kamakailan lang, lumubog ang M/V Blue Water Princess sa karagatan ng Quezon dahil sa lakas ng Alon. Labing-isa ang namatay sa insidente. Mahaba na ang listahan ng mga lumubog na bapor sa bansa, marami na rin ang nasayang na buhay sa trahedyang minsan ay maaari namang maiwasan. Sino ang makalilimot sa paglubog ng M/V Doña Paz dalawampung taon na ang nakararaan? Ang trahedyang ito ang nagtala ng pinakamaraming bilang ng namatay sa kasaysayan ng maritime accidents sa bansa. Sa Biyernes, muling balikan ang kwento ng dalawang trahedya sa karagatan at alamin ang aral na iniwan ng malungkot na karanasang ito. Abnoy na itlog Seho, bulok, bugok. ito ang iba't- ibang tawag sa isang abnoy na itlog o mga itlog na hindi nabuo at nagdudulot ng mabahong amoy. Pero sa isang barangay sa Bulacan, ang mabahong itlog na ito tila may kakaibang sarap na walang katulad! Kung kaya naman ang ilan sa mga residente, nahihilig sa pagkain nito. Ayon sa kanila, nakapagpapalakas ang abnoy na itlog sa kanilang mga katawan, pampaganang kumain at gamot pa raw sa rayuma! Aalamin ng Emergency ang katotohanan sa likod ng pagkain ng abnoy na itlog at kung ano ang maaaring maging epekto nito sa kanilang kalusugan. Panooring ang mga kuwentong ito ng Emergency sa ika-20 ng Hulyo, Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.