Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mag-asawang sumasagip sa aso at pusa, tampok sa 'Front Row'


GOLD WORLD MEDAL
2017 NEW YORK FESTIVALS
HUMAN CONCERNS CATEGORY

Inihahandog ng Front Row
“SAGIP PUSA, SAGIP ASO”
Lunes ng gabi, May 8, 2017 pagkatapos ng Saksi

Mga aso’t pusang sugatan at nangangayat na tila napabayaan sa lansangan, binabalewala at di pinapansin ng iba. Pero sinasagip ng mag-asawang Luzviminda Morales at Ritchelle Quito.

Bagamat  mahirap lamang sila, hindi raw sila tumitigil sa pagtulong sa mga pusa at asong nakikita nila sa daan na nangangailangan ng tulong. Hindi sila nabiyayaan ng supling kaya parang mga anak na raw ang turing nila sa mga nasasagip nilang hayop. Umabot na sa 50 pusa at dalawang aso ang nasagip nila.

Bilang pantustos sa mga hayop, naisip nilang mag-post sa social media ng mga litrato ng mga nasagip na sugatang hayop at nangangailangan ng agarang tulong. Bukas din sila sa mga nagnanais na mag-ampon sa mga  alagang sinagip nila.

Tunghayan ang dokumentaryong ‘Sagip Pusa, Sagip Aso” sa Front Row, ngayong Lunes ng gabi, May 8 pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Tags: plug