ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Carabaos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 11, 2007 Thursday late night after Saksi Wow kalabaw! Ang kalabaw daw ang sumisimbolo sa sipag, tiyaga at pagiging matiisin ng mga Pinoy, kaya nga hindi man opislay, ito ang itinuturing na pambansang hayop. Maraming organisasyon din ang gumagamit ng kalabaw bilang simbolo, tulad ng Boy Scouts of the Philippines at Philippine Daily Inquirer. Kamakailan, isang nawawalang paintaing na obra ng isang Pinoy ang natagpuan. Ang “After the day’s toil" ni Vicente Alvarez ay nanalo ng 1st prize sa isang international competition noong 1939. Ang eksena sa painting ay isang pamilyang papauwi mula sa bukid, sakay ang kanilang kalabaw! Ang mga bagong kalabaw Bukod sa native na kalabaw, marami na ring nagsusulputang iba’t-ibang lahi. Ilan sa mga ito ay cross-bred mula sa mga laboratoryo ng Philippine Carabao Center. Mas malakas, mas magatas at mas masasarap ang karne. Sila na ba ang ‘carabaos of the future’? Carabeef-licious Akala ng iba, mababang uri ng karne ang carabeef, pero ang totoo, kasing-sarap ito, kung hindi man mas masarap pa sa karne ng baboy o baka. Marami ring masasarap na ulam ang perfect para sa carabeef tulad ng bulalong kalabaw, kalabaw na papaitan at ginataang kalabaw. Maging aphrodisiac dishes, swak din sa carabeef tulad ng bagis at rambogis. Bulungan sa Batangas Ang bayan ng Padre Garcia sa Batangas ang itinuturing na ‘Cattle Capital of the Philippines.’ Dito kasi matatagpuan ang pinakamalaking bentahan ng mga kalabaw na kung tawagin din ay ‘bulungan.’ Bulungan dahil ito ang sistema ng presyuhan ng kalabaw. Panoorin ang mga kuwentong ito ng 100% Pinoy sa ika-11 ng Oktubre, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.