ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sex slaves': A documentary


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 13, 2007 Saturday, 11:30 p.m. This Saturday, Sine Totoo airs “Sex Slaves" - a documentary on the trafficking of women by veteran news reporter Maki Pulido. In this groundbreaking work, which was a Finalist at the 2002 New York Festivals, Maki investigates reports of Filipinas lured into Sabah, Malaysia with the assurance of decent employment… only to face rape and white slavery. This prompts Maki and her team to travel to Sabah to attempt a daring rescue. Maki and her team “order" a Filipina from a known pimp. He sends them the 17-year old Marie. The young Zamboangeña was made to believe a waitressing job awaited her in Sabah. Instead, her passport was taken, she was locked up along with other Filipino girls in a guarded apartment, and forced to accept as many as 5 male customers in a day. Can Maki and her team save Marie from this hellish situation? In an interview with Sine Totoo’s Howie Severino, Maki admits producing this story was almost a “mission impossible". The police in Sabah were wary of foreign media and the rescue required painstaking coordination and careful planning. Despite the obstacles, they pursued it - hoping to show that with determination, the saving of trafficked women is possible. “Sex Slaves" makes for another eye-opening viewing experience this Saturday late night, only on Sine Totoo.
Ngayong Sabado ng gabi, tampok sa Sine Totoo ang “Sex Slaves" - isang dokumentaryo ukol sa pwersahang prostitusyon ng mga kababaihan na ipinuslit patungo sa ibang bansa. Nabalitaan ni Maki Pulido na dumarami ang mga kaso ng babaeng ipinapasok bilang waitress sa Sabah, Malaysia – pero nang makarating doon ay ginagahasa at pilit na ginagawang mga sex worker. Ito ang nagtulak kay Maki at sa kanyang grupo para pumunta sa Sabah at hanapin ang mga Pinay na puwersahang ipinasok sa prostitusyon. Habang nakacheck-in sa isang hotel, nagpakuha sila ng babae sa kilalang bugaw. Dinala sa kanila si Marie, isang 17-taong gulang na Pinay. Sa paniniwalang kukunin siyang waitress sa isang restawran, pumayag daw siyang itawid ng kanyang recruiter mula Zamboanga hanggang Sabah gamit ang pekeng pasaporte. Pero pagdating doon, ikinulong siya at ibinugaw sa maraming lalaki. Pinag-aralan na nina Maki kung paano maililigtas si Marie. Sa panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo, ikinuwento ni Maki na halos imposibleng gawin ang dokumentaryong ito. Mahigpit ang pulis ng Sabah, lalo na sa mga dayuhang reporter. At para maging matagumpay ang paglikas sa mga babaeng nakilala nila, kinailangan ang masusing pagsasaliksik, pakikipag-ugnayan, at pagpaplano. Ang matapang na "Sex Slaves", na naging Finalist sa 2002 New York Festivals, mapapanood na ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.