Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga taong may mental health condition, paano dapat tulungan?


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: USAP TAYO
21 NOVEMBER 2019
HUWEBES, 8:00 PM SA GMA NEWS TV

 

 

Noong 2015, itinatag ng pamilya Buencamino ang Julia Buencamino Project bilang pag-alala kay Julia, ang bunsong anak ng beteranong aktor na sina Nonie at Shamaine Buencamino. Lumisan si Julia sa edad na 15.

 

 

Sa pamamagitan ng Julia Buencamino Project, bumibisita sila sa mga paaralan para ipaliwanag ang mental health condition at kung paano ito mahaharap. Bahagi ng proyekto ang paglalagay ng Julia’s Bench sa mga paaralan para malayang makapag-usap ang mga tao, may mental health condition man o wala.

 

 

Nag-iikot sa mga eskwelahan ang mental health advocate na si Zena Bernardo para ibahagi ang kwento ng kaniyang pamilya. Tatlong henerasyon sa pamilya ni Zena ang may mental health condition. Dahil lantarang pinag-uusapan sa kanilang pamilya ang mental health, mas madali para sa kanilang tanggapin at unawain ang kalagayan ng bawat isa.

 

 

Labing-walong taong gulang si Neriah nang ma-diagnose siyang may Post-Traumatic Stress Disorder o PTSD at Bipolar Disorder Type 1. Nagdudulot ng pangmatagalang pagkabalisa at matinding kalungkutan ang PTSD, habang may kinalaman naman sa mood o disposisyon ng tao ang Bipolar Disorder. Dulot daw ito ng hindi magagandang karanasan niya noong bata gaya ng pangungutya.

 

 

Ayon sa eksperto, hindi panghuhusga kung hindi pakikinig at pag-unawa ang dapat ibigay sa mga kamag-anak at kaibigang may mental health condition. Pinakamainam din daw na magpatingin sa espesyalista ang sinumang dumadaan dito.

 

 

Paano nga ba dapat makitungo sa mga taong may mental health condition at ano ang magagawa natin para makatulong? Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.