ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Filipino Noche Buena


Episode on December 20, 2007 Thursday night after Saksi Makabagong Noche Buena Hamon, paella, spaghetti, lechon, salad at fried chicken. Ito ang pinaka-popular na handa sa Noche Buena nating mga Pinoy. Pero alam niyo ba na may bagong paraan sa pagluluto ng mga nakagiliwang putaheng Pasko? Samahan si Miriam Quiambao na tikman ang pasta na hinaluan ng tuyo, Caesar salad na may pandesal at bagoong balayan, hamonadong bistek Tagalog na ginawang empanada at black seafood paella. Si Joaquin Valdes naman, titikim ng iba't ibang klaseng hamon. Handa ka na ba sa bangus hamon, vegetarian ham, quail ham at sugpo hamonado. Kakanin sa Misa de Gallo Isang hudyat na nagsimula na ang Pasko sa Pilipinas ay nakagugutom na amoy ng mga kakanin sa madaling araw. Kakambal na kasi ng Misa de Gallo ang bibingka, puto bungbong at iba pang kakanin. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng malagkit na kakanin sa Pasko ay simbolo ng matamis na pagbubuklod ng isang pamilya. Hahanapin din ni Miriam ang dalawang sinaunang kakanin na sinasabing nawawala na – ang suman morecos at halayang kalabasa ng Obando, Bulacan.