ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Little Warrior' ngayong Lunes sa 'Stories of Hope'!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

STORIES OF HOPE: LITTLE WARRIOR
Lunes ng gabi, March 22 pagkatapos ng Saksi

 


Kinagiliwan ng batang si Kristyn Cloee o "KC” ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok noon. Madalas daw niya itong ayusin.

 

Pero noong nakaraang taon, isang masamang balita ang bumungad sa pamilya ni KC. Ang bunso ng pamilya, natuklasang may cancer sa dugo o acute lymphoblastic leukemia.

Sa murang edad na tatlong taong gulang, kailangang harapin ni KC ang malaking hamon sa buhay.
 
Dahil kailangan niyang sumailalim sa chemotherapy sessions, unti-unting nalagas ang kanyang mga buhok. Bukod sa gumaling sa sakit, hiling ni KC na muli siyang magkaroon ng buhok.

Bunsod nito, napili si KC ng Hair for Hope, isang organisasyong nagbibigay ng libreng peluka sa cancer patients na walang kakayanang bumili nito.

Sa kanilang maliit na paraan, nagagawa nilang bigyan ng pag-asa ang mga pasyenteng nawalan ng buhok.

Sa kabila ng kondisyon ng bata, hindi nawawalan ng pag-asa si KC at ang kanyang pamilya na malalampasan nila ang mabigat na pagsubok at tuluyang gagaling si KC sa karamdaman.

Sundan ang kuwento ng “Little Warrior” sa Stories of Hope, ngayong Lunes ng gabi, March 22 pagkatapos ng Saksi sa GMA.