Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Wedding bloopers, tampok ngayong hapon sa ‘In Real Life’!
Isang masarap na kuwentuhan at kainan na naman ngayong Sarap o’clock Thursday sa 'In Real Life'!
Love is in the air dahil ang mga trending na eksena sa kasalan, bibida!
Kung paandaran ang usapan, hindi magpapahuli ang ka-IRL nating groom na si Ronnel Binuya riyan! Kasama ng kaniyang groomsmen, hindi sila nagpatalo sa pose at pasiklaban! Ano kaya ang nasabi ng kaniyang bride?
Ang dapat sanang nakakakilig at nakakaiyak na wedding vows ng bride and groom na sina at Ryan at Shiela Mae Llagas, naging wedding blooper na ikinatawa ni Father at ng mga bisita! Bakit kaya naging comedy ang kasalan?
Pancit puti, pancit itim, at pancit na kulay pink! Paano nga ba lutuin ang iba’t ibang uri ng pancit na ito? Sa ating EatSarap, hindi lang mga kakaibang sahog kundi kakaibang kulay din ng pancit bubusog sa atin!
Abangan lahat ng iyan sa IRL, kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6PM sa GTV.
More Videos
Most Popular