ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Three celebrity couples try Tok! Tok! Tok! challenge
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on February 17, 2008 Sunday night at 8 p.m. You are cordially invited ngayong Linggo, February 17, 2008 , sa muling pag-iisang dibdib ng mga magkakabiyak na sina: Vandolph Quizon at Jen Solimao-Quizon, Don Allado at Maricar de Mesa-Allado, at Romnick Sarmenta at Harlene Bautista-Sarmenta. Love is in the air! Kaya ang tatlong showbiz couples, masusubukan ang sumpa sa isa't isa na magsasama sila sa hirap at ginhawa. Umubra kaya ang tibay ng kanilang pagsasama sa life-sized gameboard ng Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok!? Nang umulan ng mga puso, si Maricar ang sumalo! Sandamakmak kasing puso equals sandamakmak na premyo! Si Jen naman, may hinabol ng halik. Pero hindi ang asawa niyang si Vandolph kundi isang... biik! Si Harlene kissing bride din ang drama! Pagbigyan kaya ni Giant-Tok na maka-iskor si Harlene ng halik sa kaniya? Hindi man kakailanganin ng celebrity gamers ang wedding gown, siguradong fit na fit pa rin sa okasyon ang kanilang mga mananahing beneficiaries. Walang urungan kapag pag-ibig ang pinag-uusapan. At hahamakin ang lahat makatok lamang ang pinto ng magandang kapalaran. Kaya tutok na sa numero unong original Pinoy gameshow⦠ang Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok!
Tags: threecouples
More Videos
Most Popular