ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuryente gang, baldness and a mysterious disease


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 16, 2008 Friday night after Saksi Kuryente gang Amid the issue of the rising electricity cost, the electric cable thieves still continue their illegal activities. Young and old alike engage in this kind of thievery. Alfred, 15, is just one of the many youngsters who steal electric cables and sell them for a living. He was once electrocuted accidentally but this did not stop him from climbing electrical posts to steal more cables. But these illegal activities do not only pose danger to the so-called "kuryente gang," sometimes accidents can lead to untimely deaths. The pedicab driver Bugnoy lost a hand after he had an accident while jumping cables. Meanwhile, Eric, 22, died after an electric cable he was illegally fixing hit his heart. Baldness and falling hair Around 40 percent of the Philippine population, especially males, suffer from falling hair or baldness. Wigs become the next best solution for bald men like 61-year old Mang Edwardo. He said his hair started falling when he was just 26 years old. Mang Edwardo believes he inherited this condition from his father and now his eldest son JR seems to share his fate. Meanwhile, Mang Mandy has tried everything to keep his remaining hair from falling. He has used all kinds of products, from virgin coconut oil with aloe vera to a shampoo made for horses, but nothing has worked for him. Find out the latest and safest solutions to baldness. A mysterious disease Annabel Manuel's case was brought to the attention of Emergency. A patient at the UST Hospital Charity Ward, Annabel seems to be suffering from a mysterious disease that is causing half of her face to deteriorate. She has been left alone in the hospital with no family or relatives, she could hardly see and speak. In this episode, Emergency tries to find out the disease that has been eating Annabel.
Kuryente gang Kuryente ang isa sa pinakamainit na isyung pinag-uusapan ngayon dahil sa pataas at pataas na singil nito. At sa gitna ng usaping ito, patuloy naman ang ilegal na operasyon ng ilan: ang pagnanakaw ng mga kable at kuryente! Bata o matanda, sangkot sa gawaing ito. Ang kinse anyos na si Alfred, nagpuputol ng mga kable na kaniyang ibinebenta para kumita. Minsan na siyang aksidenteng nakuryente, pero hindi ito naging hadlang para itigil niya ang pag-akyat sa mga poste. Ang pedicab driver namang si Bugnoy, naputulan na ng kamay dahil sa pagjajumper ng kuryente. Ang binata namang si Eric, 22, nasawi dahil tumama sa puso ang iligal na kuryenteng illegal niyang ikinakabit. Banta ng pagkapanot Tinatayang apatnapung porsyento ng populasyon sa Pilipinas ang nakakalbo o nawawalan ng buhok. At karamihan sa mga ito, mga kalalakihan. Piluka ang nagsisilbing buhok ng 63 anyos na si Mang Edwardo. Ito ang pantago niya sa napanot na niyang ulo. Kwento niya, edad 26 pa lamang ng unti-unti na niyang naranasang makalbo. Tila namana niya raw ito, at ito rin ang nasisimulang maranasan ng kanyang panganay na anak na si JR. Si Mang Mandy naman, lahat na raw, sinubukan para masolusyunan ang kaniyang numinipis na bumbunan. Mula sa virgin coconut oil na may aloe vera hanggang sa shampoo ng kabayo...di niya pinalampas. Pero ‘wa epek pa rin daw ang mga ito sa pagpapalago ng kanyang buhok. Alamin ang mga makabago at ligtas na solusyon sa pagkakalbo. Kinakain ang mukha Idinulog sa Emergency ang kaso ni Annabel Manuel, isang pasyente ng UST Hospital Charity Ward. Malala na kasi ang kalagayan ni Annabel, dahil ang kalahati ng mukha niya, unti-unti nang naagnas at tila kinain na ng di malamang sakit! Ngayon, mag-isa si Annabel sa ospital… wala siyang bantay, Hindi na siya makakita, ni hindi na siya gaanong makasalita. Ano ang sanhi ng paghihirap ni Annabel? May pag-asa bang gumaling siya? Ang mga ito, aalamin ng Emergency ngayong Biyernes, Mayo 16, pagkatapos ng Saksi.
Tags: emergency