ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Extra nipples, young midwives and the red sea


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 23, 2008 Friday after Saksi Tale of more than two nipples Obet, 35, is famous in his town in Sorsogon. He is known not just for his bright personality and wit, but also for his six nipples! He said the extra nipples do not bother him, in fact, he even jokes about it. He is able to work normally and he feels healthy as any other ordinary man his age. Although this condition is experienced only by one out of 180,000 people, Obet's sister Rosa also has the same condition: she has a third nipple. Like Obet, she does not feel different. In fact, her third nipple even functioned as a third breast because it produced milk when she breastfed her children. Emergency will investigate the cause of this condition. Underaged midwives In Cotabato, an expectant mother unexpectedly experienced labor pains. Unfortunately, her husband was still not home, and their location is too far from the hospital. She had no choice but to turn to her two sons, John Michael, 8, and John Lloyd, 9, to deliver her youngest. That night, a child was born...in the hands of these two kids. Red Sea Many people from Pangasinan and Zambales experienced the wrath of Typhoon Cosme. But residents of Sta. Cruz, Zambales worry not just because of their ruined homes but also bacause the nearby sea turned red! According to DENR, nickle from nearby mining companies spread into the waters. This caused concern to the people, for they are afraid that the sea has become poisonous following the nickle contamination.
Sobrang nipples Sa isang bayan ng Sorsogon, nakilala ng Emergency ang 35 taong gulang na si Mang Obet. Isa siyang karaniwan na trabahador at tipikal na asawa at ama. Pero may sikreto raw siyang itinatago sa katawan... ang kanyang anim na utong o nipples! Wala naman daw siyang nararamdamang kakaiba sa tatlong pares niyang nipples. Pero di lang mga lalaking tulad niya ang nagkakaroon ng ganitong kalagayan. Nakilala rin namin si Aling Rosa na may pangatlong nipple sa ibaba ng kaniyang suso. At tulad din ng iba niyang nipples, parang normal daw ito dahil nilabasan din ito ng gatas noong nagpapasuso siya sa kaniyang tatlong anak. Ayon sa ilang pag-aaral, isa kada 180,000 na tao ang nagkakaroon ng ganitong kakaibang kalagayan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon, aalamin sa Emergency. Mga batang kumadrona Isang ina sa Cotabato ang nagluwal ng sanggol na lalaki kamakailan sa kanilang bahay. Pero ang nagpaanak sa kaniya, hindi doktor o kumadrona, kundi ang dalawa niyang maliliit na anak! Sa kwento ni Aling Vicenta, hindi niya inasahan na manganganak siya noong araw na iyon dahil mayroon pa siyang isa hanggang dalawang linggo bago ang kanyang due date. Dahil sa wala ang asawa na pwedeng magdala sa kanya sa ospital, naisip niyang gisingin ang dalawang anak na lalaki na sina John Michael at John Lloyd, edad 8 at 9, para tulungan siya sa panganganak. Ano kaya ang kinahinatnan ng pagpapaanak ng dalawang bata sa kanilang ina? Pulang dagat Sa tindi ng paghagupit ng bagyong si Cosme, marami ang nabiktima at nawalan ng tahanan. Ang higit na apektado ...ang Pangasinan at Zambales. Pero ang mga residente ng Sta. Cruz, Zambales, may iba pang inaalala bukod sa nasalantang mga tahanan. Tila napuno ng dugo kasi ang dagat. Namula raw ito matapos umanong kumalat ang nickel na galing sa mga mining company. Pinangangambahang maaring magdulot ng perwisyo sa kabuhayan at kalusugan ang pagkalat ng elementong ito sa dagat. Kaya naman ang DENR, agad na sinuri ang tubig sa posibleng lasong taglay nito.
Tags: emergency