Biyahe ni Drew: We Gotchu sa Lake Sebu!
BIYAHE NI DREW: WE GOTCHU SA LAKE SEBU!
Sunday, January 25, 2026
6:15 PM GTV
Makakasama ni Biyahero Drew ang isa pang OA na si May Ann “Bangus Girl” Basa sa OA sa ganda na Lake Sebu.

Hindi lang puso ang mahuhulog sa ganda ng Lake Sebu dahil pati si Biyahero Drew, literal na mahuhulog – sa water tubing ng Sipaka River! At kung may itataas pa ang energy ni Bangus Girl, mayroon pa pala dahil sa exciting na water tubing.

Mapapatili rin kayo sa ganda at saya sa pag-zipline sa Lake Sebu kung saan matatanaw ang sikat na Seven Falls! Kung naghahanap pa ng adventure, nariyan din ang paragliding!

At kapag sa Lake Sebu nagutom, walang problema. Mapapasubo muna sina Biyahero Drew at Bangus Girl sa pagkapa sa ilalim ng tubig para makakuha ng ‘keteng’ o susó na sangkap sa mga putahe ng mga lokal.

Pero ang kilala at sagana nilang produkto na tilapia, may dalawampu’t isang luto rito! Eh kung dagdagan pa namin iyan ni Bangus Girl ng dalawa pang putahe? Tapatan sa Kalan: Tilapia Edition ito, biyaheros!

Sandamakmak na adventure ang paandar ng Lake Sebu ngayong Linggo sa Biyahe ni Drew, 6:15 ng gabi, sa GTV!