Jennica Garcia stars in a heart-stopping tale of betrayal and secrets on Tadhana: ’Tunay na Misis Solis’

TADHANA
“TUNAY NA MISIS SOLIS” (Part 1)
Airing Date: January 24, 2026
THREE WIVES, ONE WEB OF LIES: Jennica Garcia Stars in a Heart-Stopping Tale of Betrayal and Secrets on TADHANA.
MANILA, Philippines — What happens when the life you worked so hard to build is revealed to be a total lie? This Saturday, GMA Network’s TADHANA delivers a gripping episode featuring Jennica Garcia as she uncovers the shocking secret life of a husband playing a dangerous game of hearts.
The Homecoming from Hell:
For Aida (Jennica Garcia), an unexpected accident abroad was a "blessing in disguise." After years of sacrifice as an OFW, she finally returns home to her husband, Frank (Victor Silayan). With their savings secured and Frank’s stable job as a driver-mechanic, Aida believes it is finally time to fulfill her dream: starting a family.
But the dream quickly turns into a nightmare. A tip from her sister, Dolores (Rubi Rubi), leads Aida to a nearby subdivision where the truth hits her like a freight train. Frank isn't just cheating; he has an entire second family with Lorna (Elle Ramirez)—and a seven-year-old daughter to prove it.
A Birthday Party Turned Battlefield:
The confrontation of the year erupts when Aida gatecrashes the birthday party of Frank’s child. As the legal wife and the mistress face off, the tension reaches a breaking point, causing Frank to suffer a massive heart attack.
The chaos moves from the party to the hospital corridors, where a bitter showdown ensues. But as Aida and Lorna fight for the right to sign the emergency medical consent, they are met with a chilling revelation: Neither of them is listed as Frank’s legal proxy or next of kin.
The Ultimate Plot Twist: Enter the "Real" Mrs. Solis:
Just as the two women grapple with the confusion, a sophisticated woman in her 60s named Fe arrives. A wealthy businesswoman with an air of authority, she delivers the final blow: She is the registered wife on Frank’s insurance. She is the real Mrs. Solis.
Who was Frank really? Was he a lover, a provider, or a professional con artist? As the intertwined lives of these three women unfold, they must face the reality of the man they all thought they knew.
Who will be the last Mrs. Solis standing?
Don’t miss this explosive episode of Tadhana on Saturday, January 24 at 3:15pm on GMA 7 and GMA Public Affairs’ Facebook and YouTube livestream.
---
Jennica Garcia, haharapin ang masakit na katotohanan sa pinakabagong episode ng Tadhana!
Matapos ang mahabang panahon ng sakripisyo sa ibang bansa, uuwi ang OFW na si Aida (Jennica Garcia) na may pangarap na makabuo ng sariling pamilya. Ngunit sa likod ng matatamis na pangako ng asawang si Frank (Victor Silayan), isang madilim na sikreto pala ang naghihintay na sumabog.
Ang "Blessing in Disguise" na Naging Bangungot:
Dahil sa isang aksidente, napilitang umuwi si Aida sa Pilipinas. Para sa kanya, pagkakataon na ito para maging ganap na asawa at asikasuhin ang kanilang kinabukasan, lalo’t kampante siyang malaki ang kinikita ni Frank bilang driver-mechanic sa isang shipping company.
Ngunit ang sana’y masayang pagbabalik, nauwi sa panlulumo. Isang balita mula sa kanyang kapatid na si Dolores (Rubi Rubi) ang yayanig sa kanyang mundo: Nakita si Frank sa kabilang subdivision na may kasamang ibang babae!
Pitong Taon ng Panlilinlang:
Sa tulong ni Dolores, kumpirmadong pinagpalit si Aida sa mas batang si Lorna (Elle Ramirez). Ang mas masakit? Hindi lang basta kabit si Lorna—mayroon na silang pitong taong gulang na anak! Pitong taon ding nabulag si Aida sa akalang siya lang ang babae sa buhay ni Frank habang nagpapakapagod siya sa ibang bansa.
Eksena sa Birthday Party at Ospital:
Hindi nagpaapi si Aida. Buong tapang niyang sinugod ang mag-asawa sa mismong birthday party ng bata! Sa harap ng maraming tao, nabunyag ang katotohanan na si Aida ang legal na asawa. Ngunit sa gitna ng matinding sigawan at gulo, biglang aatakehin sa puso si Frank!
Dito magsisimula ang isang mas malaking hamon. Habang nag-aagaw-buhay si Frank sa ospital, maghaharap ang dalawang babaeng nag-aagawan sa kanya. Pero sino nga ba ang tunay na may karapatan?
Isang malaking pasabog ang bubulaga sa lahat: Sino ang misteryosong "legal wife" o proxy na nakalista sa insurance ni Frank kung hindi si Aida o si Lorna ang nakarehistro rito?
Huwag palampasin ang madamdamin at puno ng aksyong kuwentong ito na tiyak na magpapakulo ng inyong dugo at magpapaiyak sa inyong mga puso.