ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

BIYAHE NI DREW: LAKAS NG DISKARTE SA ILOCOS NORTE


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW: LAKAS NG DISKARTE SA ILOCOS NORTE

Sunday, March 8, 2026
6:15 PM GTV

 

Walang aatrasan sa mga sorpresang pangmalakasang hatid ng Ilocos Norte!

Seaweed sa norte na kung tawagin ay ‘gamet’, mas mahal pa raw sa karne dahil sa buwis-buhay na pagkuha nito sa mga batuhan. Ano kaya ang lasa ng ‘Black Gold’ na iyan? Papaano pa kaya pag nilagay ito sa kilalang Ilocos empanada?

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga art installation ng mga sikat na pelikula, ‘yan ang bagong paandar sa buhanginan ng Paoay! Ang diskarte ni Biyahero Drew, magpaalon-alon at mag-ala artistang pang pelikula ang arte sa sand dunes?

 
 

 

 

Hindi rin hihindian ni Biyahero Drew ang mga pagkaing ngayon lang niya matitikman! May Ilokano pizza na may pampasarap na bagoong, at ang kilalang putahe na ‘ata-ata’ o hilaw na karne ng baka.

 

 

 

 

At dahil malayo ang biyahe pa-Ilocos Norte, magtatampisaw rin si biyahero Drew sa Madongan Dam kasama ang ibang biyahero dahli ang entrance fee rito, sampung piso lang!

 

 

 

Lahat susubukan sa pagsugod natin sa Ilocos Norte ngayong Linggo, 6:15 ng gabi sa Biyahe ni Drew, sa GTV.