ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahe ni Drew: Hello Again, Hong Kong


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW: HELLO AGAIN, HONG KONG

Sunday, July 5, 2026
6:15 PM GTV

Biyahero Drew says hello again to Hong Kong sa pagbabalik tanaw niya sa iba't ibang mga puntahan at pati na rin sa mga lumang tradisyon ng bansa na binigyan ng bagong mukha.



Ang klasik na tourist spot ng mga biyahero na Ngong Ping village, may bago? Iyan ang aalamin ni Biyahero Drew!

Kakamustahin din ng ating biyahero ang mga paboritong kainan ng mga lokal. Pati na rin ang isang retro hot pot na may ‘70s vibe.


Matinding laban naman ang haharapin ng ating biyahero sa pamamagitan ng 400 years old na martial art ng Hong Kong. Makikipagtapatan ng lakas si Biyahero Drew sa isang Wing Chun master!


Pati pag imprenta niya ng liham, mano-mano niyang gagawin sa Hong Kong! Mabuo niya kaya ito kung ang bawat letra, kailangan hanapin nang nakabaliktad?

Isang masayang throwback ang hatid ng Hong Kong ngayong Linggo sa Biyahe ni Drew, 6:15 ng gabi sa GTV.