Bakit nagulat si Julie Anne nang makita ang hayop na aalagaan?
CAMEL CARETAKER
Airing Date: May 2, 2015
Kilala ang mga hayop na ito sa kanilang pagiging matatag na hayop sa disyerto at mga umbok sa likuran o humps. Pero kung dati'y sa mga aklat, telebisyon at pelikula lang natin sila nakikita, matatagpuan na rin ang mga herbivore na ito sa ating tropical na bansa.
Hindi na kailangang lumipad pa papuntang Middle East para makakita ng mga camel dahil nandito na sa Clark Pampanga ang mga pambihirang hayop ng disyerto.
Kagaya ng ibang hayop sa zoo, kailangan munang dumaan ang mga camel sa ilalim ng pagsasanay ng camel caretakers bago sila magpakitang gilas sa Camel Ride. Kailangan ang behavioral training para maging hiyang at sanay sila sa mga tao. Umaabot hanggang dalawang buwan ang training ng mga camel.
Pero hindi natatapos sa camel training ang trabaho ng isang camel caretaker! Kahit hiyang ang mga camel sa mainit na lugar, dapat ring paliguan ang mga ito para hindi sila bumaho. Sinusuklayan din ang balahibo ng camels! At ang pinakimportante sa lahat, kailangan silang pakainin ng two to three times a day. Hindi lang isa, hindi rin dalawa kundi anim na camels ang inaalagaan ng ating Day Off winner for this week na si Resty Mercado, ang masipag na camel caretaker ng Zoocobia.
Sa halos anim na taon niya sa kanyang trabaho, nakapundar na siya ng tatlong kabayo at isang kalesa na ginagamit ng kanyang ama, kapatid at pamangkin sa pamamasada bilang kutsero. Bukod pa ito sa mga perang naipadadala niyang panggastos sa kanilang bahay at sa gamot ng kanyang ina. Dahil sa responsibilidad sa pamilya at trabaho, parang naubusan na rin daw si Resty ng panahon na maghanap ng nobya o asawa.
Ngayong Sabado, biyaheng Pampanga sina Julie Anne at Boobay para maging camel caretaker for a day. Si Pekto naman ang bahala sa isang exciting at extreme adventure Day Off escapade ni Resty sa Davao City. Kaya huwag nang magpahuli, manood lagi sa trending show tuwing Sabado ng gabi sa GMA News TV, Day Off!