ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Traffic enforcer sa isang viral video, sosorpresahin ng 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa walong oras kada araw na pagtatrabaho sa gitna ng trapik sa EDSA, may fifteen to thirty-minute break ang traffic enforcer at Day Off winner nating si Lharry Azures. Bukod sa pagmamando ng trapiko, nagdaragdag din ng stress sa kaniya ang polusyon sa kalsada at pasaway na ugali ng ilang motorista. Naging viral video nga kamakailan ang pakikipagtalo kay Lharry ng tinaguriang “5-minute girl” nang dahil sa illegal parking.

Sa pagrelyebo ni Maey Bautista kay Lharry sa pagiging traffic enforcer, mapapasubo siya sa buhul-buhol na trapiko sa Quezon City. Kayanin kaya niya ito? Maareglo kaya niya ang pagtatalo ng dalawang nagkabanggaang motorcycle riders?

Makakasama rin si Maey sa clearing operations ng MMDA. Paano niya kaya haharapin ang mga may-ari ng sasakyan at tindahan na nakaharang sa daan?

Katakut-takot na pasensya ang baon ni Lharry tuwing nasa trabaho kaya sa kaniyang day off kasama si Ken Chan, siguradong tuwa at ngiti lang ang ibibigay natin sa kaniya. Mula sa mauusok at masisikip na kalye, dadalhin si Lharry sa isang relaxing spa kasama ang buong pamilya. May eat-all-you-can food trip din sila para magkaroon ng nakabubusog na family quality time!

Mayroon din silang exciting activity na totally stress and pollution free at may sorpresang regalo pa from Day Off!

Mag-break muna sa pagod at sakit ng ulo ngayong Sabado at mag-enjoy sa panonood ng Day Off, 6:15PM, sa GMA News TV!

Tags: dayoff