ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Huwarang ina, bibigyan ng 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso, isang huwarang ina mula Sta. Cruz, Laguna ang bibigyan ng bonggang reward ng Day Off.

Araw-araw, limandaang bote ang hinuhugasan at nililinis ni Nanay Luzviminda Natabio kaya naman talagang magdamag daw na nakababad sa tubig at sabon ang kanyang mga kamay!

Makayanan din kaya ito nina Janine Gutierrez at Ken Chan?  Papasa kaya ang paglilinis nila sa metikulosang bottle washer nating si Nanay Luz? Sino kaya ang mas maraming mahuhugasang bote? Ang matatalo, maglilinis daw ng kural ng alagang baboy ni Nanay Luz!

Samantala, sa inihandang sorpresa ni Maey Bautista para ating day off winner, magkakasama-sama ang buong pamilya ni Nanay Luz sa pamamasyal mula sa amusement park hanggang sa bonggang restaurant. Palulutangin naman ang ganda ni Nanay Luz sa isang beauty makeover! ‘Yan at marami pang ibang rewards ang matatanggap ni Nanay Luz sa araw na ito!

Gawing bonding ng pamilya ang panonood ng Day Off tuwing Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!

Tags: dayoff, gmanewstv