Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ken Chan, manghuhuli ng isda?


 

 

Isang kamangha-manghang summer destination sa Batangas ang dadayuhin nina Ken Chan at Maey Bautista -- ang mala-paraisong Isla Verde!

Isa ito sa mga ipinagmamalaking marine reserve sa Pilipinas. Bukod sa white sand beach, mayaman din ang dagat ng Isla Verde sa iba't ibang marine species. Kaya naman nakilala rin ito bilang Center of the Center of Marine Biodiversity of the World.

Lalong ma-e-enjoy nina Ken at Maey ang isla dahil ang official tour guide nila ay walang iba kundi ang Day Off winner na si Lito Caluag na isang bangkero at mangingisda.

Para ma-explore ng dalawa ang yamang-dagat ng isla, susubukan nilang mangisda kasama si Lito. Makahuli kaya sila ng isda, lobster, at pugita sa pamamagitan ng pamamana?

Isang relaxing bonding activity naman ang inihanda nina Ken at Maey para kay Lito at kaniyang pamilya. Meron ding rewards mula sa Day Off. Anu-ano kaya ang sorpresang kanilang matatanggap?

Mag-chillax kasama ang tropang Day Off ngayong Sabado, 6:15PM,

sa GMA News TV!