ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

13th anniversary ng 'Day Off,' ipagdiriwang!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Sa Anniversary Special ng Day Off, isang karera na siksik sa nakaaaliw na challenges ang pagdadaanan nina Janine Gutierrez at Ken Chan para muling mabigyan ng bonggang reward ang pinaka-paborito nilang Day Off winner! Ang mga pagsubok na haharapin nila ay magbibigay pugay sa makulay na nakaraan ng programa.

Kasama ang katropang si Maey Bautista, dinalaw ni Janine ang kauna-unahang Day Off Winner na si Nanay Inday. Ang fulltime mom noon, fulltime lola na raw ngayon. At sa pagbisita ng kasalukuyang hosts ng programa, sila ay makikiluto at makikilaba! Anu-ano nga ba ang mga pagbabagong naganap sa ating Day Off Supermom?

Sunod, sasabak sina Janine at Ken sa pagiging takatak boy na naitampok sa isang memorable episode ng Day Off.

Pero hindi sigarilyo o candy kundi chicharon, mani at itlog ang ibebenta nila sa lansangan. Ano kaya ang magiging diskarte nila?

Samantala, may hinanda si Maey sa isang exotic food restaurant sa Angono, Rizal. Kung cooking challenge ang hinarap dito ng Day Off hosts noon, eating battle naman ang gagawin nina Ken at Janine ngayon!

Mag-sho-showdown din sina Ken at Janine sa kanilang cheering stunts at magpapasiklaban pa sa poi dancing.

Ito at marami pang ibang hamon ang haharapin nila sa pagbabalik-tanaw sa mga exciting episodes ng Day Off!


Abangan ang simula ng 2-part Anniversary Special ng Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV!