ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Betong, special guest sa ‘Day Off!’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Sa kahuli-hulihang episode ng Day Off, samahan ang buong tropa na balikan ang masasaya at hindi malilimutang kwento’t karanasan sa harap at likod ng camera. Anu-ano kaya ang magiging rebelasyon ng mga host at staff? 

Ang komedyanteng si Betong Sumaya na unang Executive Producer ng programa at naging on-cam talent sa Day Off bilang si “Super P”, magbabalik para sa isang misyon!  Siya ang espesyal na bisitang mag-i-interview kina Janine Gutierrez, Ken Chan at Maey Bautista tungkol sa pagiging mahalagang bahagi nila ng programa! Paano ba sila naging hosts ng Day Off? Naaalala pa ba nila ang mga nangyari sa kanilang unang shoot? Anong leksyon mula sa mga Day Off winners ang tumatak sa kanila?

Magkakabukingan din ang tatlo! Sino kayang host ang aamin na siya ang pinakamatagal mag-ayos, pinakaantukin, madaling mapikon, magiliw sa mga tao at iba pa --- magkakaalam na! Pag-uusapan din ang mga award na natanggap ng show at kung anong naging sikrteo sa makulay na labintatlong taon nito sa telebisyon.

Huwag pahuhuli sa finale episode ng Day Off ngayong Sabado, 6:15PM, sa GMA News TV!