ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang rebeldeng manananggal sa pilot episode ng 'Elemento'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong Biyernes, October 10, 5:45 ng hapon sa GMA-7

Kakaibang babae ang ipakikilala ng programang Elemento ngayong Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA-7. Isang nanay na doktora at isa ring manananggal?
Si Glaiza de Castro ang gaganap bilang Esperanza, ang bida sa paunang episode ng Elemento. Isang madilim na sikreto ang kaniyang tinatago.

Nilisan niya ang malayong probinsiya dahil sa matinding away sa kanilang angkan. Ang dating marahas na buhay ipinagpalit sa pag-aaral ng medisina.
Madidiskubre ng manonood na si Esperanza pala ay nagmula sa pamilya ng mababangis na aswang. Ngunit imbes na humanap ng sanggol na mabibiktima gabi-gabi, naging misyon na niya ang pagligtas sa mga batang na sa kapahamakan.

Lingid sa kanyang kaalaman, matagal na siyang hinahanap ng mga kapatid na manananggal. Ano ang mangyayari kapag nagkikita-kita muli ang kanilang pamilya? Abangan sa hindi malilimutang pilot episode ng Elemento ngayong Biyernes, 5:25 ng hapon, sa direksyon ni Topel Lee.

Tags: prstory
More Videos
Most Popular