ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Muling tunghayan ang kuwento ng isa sa pinakabatang ina sa kasaysayan sa 'Ang Pinakabata'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FRONT ROW presents "ANG PINAKABATA" July 7, 2012, 8:40 pm sa GMA News TV   (Replay episode)   Sa edad na walo, naging biktima siya ng panggagahasa. Sa edad na siyam, tuluyan siyang nagdalantao matapos magbunga ang ginawang pang-aabuso sa kanya. Sa edad na sampu, siya ay naging isang ganap na ina, isa sa pinakabatang naitala sa kasaysayan.     Hindi naging madali ang pinagdaanang nakaraan ni "Camille", hindi niya tunay na pangalan. Pero sa kabila ng mapait na pilat na iniwan ng kahapon, larawan siya katatagan at pagiging positibo. Bagamat sariwa pa ang mga sugat ng mapait na karanasan, hindi naging mahirap para sa kanya na magpatawad at muling bumangon.     Kasaluluyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development si "Camille". Samantalang ang kanyang anak naman, ipinaubaya niya sa pamahalaan para ipaampon sa ibang pamilya. Masakit man para sa kanya, naniniwala siyang mas mapangangalagaan at mabibigyan ang kanyang anak sa kanyang mga pangangailangan sa piling ng ibang pamilya.     Ngayong Sabado, muling tunghayan ang buhay ni "Camille" at tuklasin kung paano sa kabila ng lahat ng matindi niyang pinagdaanan ay nananatili siyang positibo sa buhay.