ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Inihahandog ng Front Row: magkakAPATid


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihahandog ng Front Row: magkakAPATid September 8, 2012, 8:45pm sa GMA News TV   Sa bawat walumpung sanggol na iniluluwal sa mundo, isa ang nagiging kambal.   Sa bawat pitong daang ipinapanganak, isa rito ang triplets. At sa bawat isang milyong isinisilang, may isang quadruplets.   May ilang kaso rin ng mas mataas pang bilang ng multiple births; mas marami, mas peligroso.  Sensitibo ang pinagdaraanan ng bawat inang dumaraan sa multiple birth pregnancy. Hindi rin daw biro ang pagpapalaki at pagtataguyod sa mga bata.   May limang anak ang mag-asawang Arnold at Criselda. Pero halos dumoble ang kanilang bilang nang isilang ni Criselda noong nakaraang taon ang dalawang lalaki at dalawang babaeng sanggol - sina Alfredo, Althea, Alaiza at Altheo. May kakaibang saya ang pagkakaroon ng malaking pamilya pero isang hamon din ang pagtataguyod sa magkakapatid para sa kanila. Ang labing tatlong taong gulang na magkakapatid na sina Mary Joyce, Mary Jane, Mary Rose at Mary Grace ang mga itinuturing na pinakamatandang identical quadruplets na buhay sa Pilipinas. May natatangi ring kuwento ang bawat isa sa kanila.   Sundan at tuklasin ang kuwento ng buhay ng mga 'MagkakAPATid' ngayong Sabado, ika-8 ng Setyembre, 8:45pm sa Front Row ng GMA News TV!