ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Himig ng Kumbantsero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
HIMIG KUMBANTSERO November 17, 2012, 9:45pm Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng maraming residente sa Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales. Sa hirap ng buhay, may ilang pamilyang naglalatag at nag-aabang sa dalampasigan para sa mga mangingisdang parating. Kumbantsero ang tawag sa kanila, mga nanghihingi ng isda na maaari nilang ibenta o ihain para sa kani-kanilang pamilya.   May ilang musmos na tumutulong sa kanilang mga magulang sa gawaing ito. Sa kabila ng kanilang kalagayan, tila pinapagaan naman nito ng kanilang pagkahilig sa musika. Ang ilan sa kanila, unti-unting hinahasa sa pagtugtog ng violin. Sa tulong ng grupo ni Alfonso "Coke" Bolipata, dating batang biyolinista at isang world-renowned violinist, tinuturuan ang mga kabataan sa kanilang komunidad ng musika at sining.   Sundan ang kuwento ng kanilang buhay at musika sa "Himig Kumbantsero" ng Front Row. Ngayong Sabado, November 17, 9:45pm sa GMA News TV Channel 11.